Monday , December 29 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Contessa ni Glaiza de Castro sa GMA Afternoon Prime ngayong Marso 19 na

KAPAG teleserye ni Glaiza de Castro, sa Kapuso network ay asahan na marami itong mga pasabog na eksena. At sa darating na March 19, Lunes, eere na ang latest soap ni Glaiza na “Contessa” na makakasama ng mahusay na actress si Mark Herras at si Albert Langitan ang director nila sa serye.

Gagampanan ni Glaiza ang karakter ni Bea Resureccion na habang ikinakasal kay Marco Caballero (Herras) ay may nangyaring trahedya. Pinagbabaril sila ng hindi nakilalang killer. At si Bea itinuro at pinagbintangang nagpapatay sa kanyang groom at pagdurusahan niya sa kulungan ang kasalanang hindi niya naman ginawa.

Dahil sa kalupitang sinapit mula sa kamay ng mayaman at maimpluwensiyang kaaway ay lalabas sa bagong anyo si Glaiza bilang Contessa na maghihiganti at bibigyan ng hustisya ang kamatayan ni Marco.

Makakasama ni Glaiza sa pinagbibidahang drama series ang mga kapwa Kapuso stars na sina: Geoff Eigenmann, Lauren Young, Gabby Eigenmann, Chanda Romero, Techie Agbayani, Jak Roberto, Phytos Ramirez,  Leandro Baldemor, Tanya Gomez, Will Ashley, Karel Marquez, Dominic Roco, Bernadette Allyson at nagbabalik telebisyon na si Ciara Sotto. Ang Contessa, ang papalit sa timeslot ng Ika-6 Na Utos na magwawakas na ngayong March 16.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald pamparelaks ang pag-akyat sa bundok

RATED Rni Rommel Gonzales MALAKING pribilehiyo kay Gerald Anderson na mapasama ang pelikulang Rekonek sa 51st Metro Manila Film Festival …

Jennifer Lee Mark Aries Luancing

Jennifer Lee ikinasal sa isang konsehal ng Lipa; Matagumpay na ring DJ

RATED Rni Rommel Gonzales NAGKAKILALA sina Jennifer Lee at Konsehal Mark Aries Luancing sa Lipa, Batangas noong 2021. Si …

Judy Ann Santos UFC

Judy Ann ibinahagi 12 meals/food for Christmas

RATED Rni Rommel Gonzales NAHINGAN si Judy Ann Santos, habang magpa-Pasko naman na, kung may …

Vice Ganda, Ion Perez pinaghahandaan pagkakaroon ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SINABI ni Vice Ganda, sa isang panayam na willing sila ni Ion Perez na …

James Reid Nadine Lustre Jadine

Nadine ayaw na nga bang makatrabaho si James?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAALIW naman kami sa latest interview kay Nadine Lustre. Bukod sa pagiging consistent …