Monday , December 23 2024

Kapag may trouble sa mga mall; Business premises first before human safety, motto ng mga sekyu ‘yan?!

MATAPOS ang isang pamamaril nitong nakaraang Sabado sa 999 Mall sa Divisoria lalong nagkagulo ang mga tao sa loob dahil biglang isinara ng mga nakatalagang security guards ang lahat ng lagusan (exit and entrance) sa mall.

Wattafak!?

Lalo tuloy nag-panic ang mga tao na nasa loob ng mall. Kaya hindi lang ang mga target ng pamamaril ang nasaktan kundi maging ang mga mamimili at siguro maging mga empleyado at may-ari ng mga stall sa loob ng mall.

Ito ang problema natin sa mga sekyu na nakatalaga sa mga mall, maliit o malaking mall man ‘yan, ang disposisyon ng mga guwardiya kapag nagkakagulo, agad isara ang mga daanan/lagusan ng tao.

E paano kung nakulong ‘yung mga suspek sa loob ng mall at may dalang pampasabog? Sabog lalo ang mga tao sa loob!?

E ‘di nagkaloko-loko na?!

Alam nating ang pangunahing trabaho ng mga security guards ay “to secure the premises.” Kaya agad nilang isinasara, wala silang pakialam kung magkakaroon ng casualty/casualties, ang importante secure ang buong building.

(By the way, ano ba ang parusa sa mga mall na ang security nila ay walang metal detector o bomb sniffing dog!?)

Pero hindi ba naiintindihan ng mga sekyu na habang isinisekyur nila ang premises dapat may objective din sila na ma-isolate ang mga suspek?!

Ang siste, hindi pa nila naa-isolate ang mga suspek, isasara na nila ang buong mall at wala silang pakialam kung ano ang mangyayari sa mga tao.

Hindi ba’t maraming usap-usapan na mara­ming namatay noong bagyong Ondoy dahil isang mall malapit sa isang creek ang hindi nagpapasok at hindi nagpalabas ng mga tao mula sa kanilang parking dahil agad isinara ang mga daa­nan/lagusan?

Kapag may sunog, ganito rin ang nangyayari, agad isinasara ng mga sekyu ang mga daanan/lagusan dahil natatakot sa looting pero hindi iniisip kung may lalabasan ang mga taong nakakulong sa loob.

Kung ganito ang praktis ng mga security guard sa iba’t ibang malls at iba pang establishments, ibig sabihin, iisa ang kanilang oryentasyon — una­hin ang business premises kaysa mga tao na posibleng maging casualties.

Hindi na natin tatanungin kung tama ba ito kasi usual practice na ito ng mga sekyu sa iba’t ibang business establishments.

Ang tanong, hahayaan lang ba natin na laging ganyan ang nangyayari?!

Wala bang aksiyon na puwedeng gawin ang pulisya o ang mga ahensiyang may pananagutan sa ganyang attitude o oryentasyon ng mga sekyu?!

Paging PNP!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *