Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sunshine Cruz

Sunshine, ‘di exhibitionist (kaya nagpapa-sexy)

NATAWA kami roon sa sinabi ng isang basher kay Sunshine Cruz, na nagsasabing may edad na siya nagpapa-sexy pa rin siya. Bakit hindi ka matatawa eh iyon ang linya talaga ng advertising campaign ng produkto na ine-endoso niya. Kahit na may edad na maaaring mapanatiling maganda ang katawan.

Nagkakatawanan nga kami, eh bakit si Sunshine ang mas napuna, kung iisipin mo mas may edad naman si Alice Dixson. Simple lang naman ang dahilan eh, si Shine talaga ang target ng paninira nila. Hindi ba noong araw pa naman ganyan na sila, sinasabihan nila si Sunshine na “bold star” daw. Mga professional hecklers at bashers na iyan, dahil nagpapalit-palit lang iyan ng pangalan sa kanilang social media account para siraan si Sunshine.

Si Sunshine naman sanay na sa ganyang mga basher eh. Talaga namang hindi siya tinitigilan ng mga iyan eh, at more or less alam naman niya kung sino ang mga iyan, kaya nga natatawanan na lang niya ang mga pinagsasabi eh.

Hindi naman exhibitionist si Sunshine. Hindi niya ginagawa iyon para i-display lang ang kanyang katawan. Hindi naman niya hanapbuhay na magbilad ng katawan. Iyon nga lang kung minsan may mga endorsement na kailangan iyon, at sinasabi ngang niya hindi iyon pagpapa-sexy kundi isang encouragement sa mga nanay na kahit na may edad na sila ay maaari pa rin silang maging maganda. Mapagsisikapan naman ang mga bagay na iyon basta tama ang kinakain at tama rin ang exercise.

Ang sinasabi nga ni Sunshine, ang gusto niya ay maka-inspire, makapagbukas ng isipan ng maraming babae na hindi dahil nagkaka-edad na sila o may mga asawa na, ok na lang iyong mukha na silang pindangga. Puwede namang kahit na tatlo na ang anak na kagaya niya, sexy pa rin.

At saka iyang ganyang katawan, pinaghihirapan naman iyan. Hindi rin tama iyong katuwiran na sige lang, lamon ng lamon, tutal naooperahan naman iyang taba. Mali rin iyong ganoon, baka pagsisihan nila iyan pagdating ng araw. Kaya nga ang sinasabi ni Sunshine, ang gusto niya ay ma-encourage ang mga tao sa right food at exercise.

HATAWAN!
ni Ed de Leon

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Lala Sotto MTRCB

Sa pamumuno ni Chair Lala Sotto, MTRCB nakapagribyu ng 172,000 na materyal noong 2025; isinumiteng mga pelikula umangat sa 13.34%

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAKAPAG-REVIEW ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), …

Beauty Gonzalez

Beauty certified yoga instructor na

I-FLEXni Jun Nardo MATAPANG, bumiyahe mag-isa si Beauty Gonzales, huh! Ginawa niya ‘yan nang pumunta siya …

Robi Domingo John Lloyd Cruz

John Lloyd at Robi muntik daw magsuntukan sa kasal nina Zanjoe at Ria

MA at PAni Rommel Placente HOW true na muntik na raw magsuntukan sina Robi Domingo at John Lloyd …

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …