Friday , November 15 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Pulis-Adriatico naghahanap ng sakit ng ulo?!

MUKHANG naiinip na ang mga ‘kamote’ sa PCP Adriatico sa ilalim ng Malate Police Station (PS9) ng Manila Police District (MPD).

S/Supt. Eufronio Loyola Obong, Jr., alam ba ninyo kung ano-ano ang mga aktibidad ng mga lespu ninyo?

Alam din kaya ni Adriatico PCP commander, S/Insp. Jonar Cardoso na mayroon siyang apat na pulis na kung makaasta ay parang mga berdu-gong Hapon noong World War II?

Ayon sa ilang customer ng isang resto/bar na nasindak sa asta ng apat na pulis na nagpakilalang mga taga-Adriatico PCP, nagulat sila na habang kumakain sila ay tumuntong sa isang silya ang pulis nang hindi man lang nag-excuse.

Sonabagan!

‘Yung apat na lespu na biglang pumasok sa isang resto/bar na kontodo de armas ay wala man lang pasintabi sa management.

Dahil armado sila, sino ang maglalakas-loob na sitahin sila sa pagsampa nila sa silya?!

Kernel Obong, ang alam nating iniutos ninyo sa mga lespu ninyo ‘e sitahin ang mga nagtatagayan sa kalye at hindi ang pumasok sa mga establisiyemento na maayos na nag-eestima ng kanilang mga custo­mer.

E bakit biglang pinasok ng apat na lespu ni Kapitan Cardoso ang isang establisiyemento at sinabing may naghagis umano ng bote?!

Wattafak!

E kung may naghagis nga ng bote, e ‘di ang unang tatawag ng responde ng pulis ‘yung ma-nagement ng resto/bar.

Masyadong adelantado ang mga lespu ni Ka-pitan.

Kernel Obong Sir, ilan na kayang establisyemento ang nabiktima ng mga lespu ng Adriatico PCP?!

Paki-monitor naman… mukhang may ibang ‘layunin’ ang kanilang pagbisi-bisita sa mga resto/bar.

‘Yun lang po.

ANG ‘CAAP-LOGAN’
SA KALIBO AIRPORT
(ATTENTION: CAAP DG
JIM SYDIONGCO)

PATULOY pa rin ang mga reklamo galing sa concerned citizens na ating natatanggap tungkol sa lumalalang sitwasyon ng mga turistang pasahero na dumarating at umaalis riyan sa Kalibo International Airport.

Paano raw kaya sosolusyonan ng pamunuan ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang mahabang pila ng mga pasaherong dumarating sa bansa ganoon din ang umaalis pa-labas ng Filipinas?

Madalas daw kasing umaabot hanggang domestic boarding gates ang pila ng mga dumara-ting na international passengers bago pa man sila makapasok sa arrival area ng airport immigration.

Bago pa man daw ma-clear ng immigration ang mga pasahero, tagaktak na ang pawis na madalas ay tinatamaan pa ng “jet blast” ng mga eroplanong umaalis dahil sila ay hindi kayang i-accommodate sa loob mismo ng naturang airport.

Susmaryosep!

Jet blast??

‘Di ba carbon monoxide ang buga n’yan!?

Namasyal lang ng Filipinas, may baon nang ‘cancer’ pagbalik sa kanila?

Ayon sa mga pamunuan ng Customs, Immigration at Quarantine ng Kalibo, sila man daw ay nag-aalala para sa kapakanan ng mga dumarating at umaalis na pasahero.

Pero kahit anong adjustment raw ang gawin nila pagdating sa kanilang mga tao, wala pa rin daw magagawa kung mismong ang estruktura ng airport ang may problema!

Kinakailangan daw talaga na magbawas na ang CAPLOG ‘este CAAP ng mga pinararating na eroplano bago pa man mapahamak ang mga pasahero!

E bakit nga kasi panay pa rin ang isyu ng landing permit ng CAAP e salat naman ang kanilang pasilidad?

Mantakin ninyong cincuenta y quarto (54) international flights kada araw para sa kapiranggot na airport!?

Windang talaga!

Sa panig naman ng mga pasahero na tinatamaan ng nasabing “jetblast” hindi ba puwedeng magawan ng paraan ng CAAP na lagyan ng harang ang bandang likuran ng airport para maiwasan ang disgrasya?

Aba’y nakahihiya na sa mga dumarating na turista!

Hindi ba puwedeng pag-usapan na ayusin nina DOTr Secretary Art Tugade at CAAP DG Jim Sydiongco ang matinding problemang ito?!

Taglamig pa ngayon mga bossing. Paano na kung dumating ang summer season? Hindi malayo na may atakehin sa mga pasahero dahil sa tindi ng init sa lugar na ‘yan!

Kilos na habang maaga!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *