BINAWIAN ng buhay ang isang customs broker makaraan pagbabarilin ng hindi kilalang riding-in-tandem habang lulan ng kanyang kotse sa Caloocan City, kahapon ng umaga.
Agad nalagutan ng hininga sa insidente ang biktimang si Raymond Aniceto, 25,
Mabilis na tumakas ang gunman na nakasuot ng bull cap at face mask, at ang driver ng motorsiklo na nakasuot ng half face helmet.
Sa footage ng CCTV camera, minamaneho ng biktima ang itim na kotseng Honda na may plakang DQ 6324 at tinatahak ang D. Aquino Street dakong 7:30 am nang dikitan ng mga suspek na lulan ng motorsiklo saka siya pinagbabaril.
Ayon kay Caloocan police deputy chief for administration, Supt. Ferdinand Del Rosario, masusing iniimbestigahan ang insidente kung ito ay dahil sa personal na alitan o may kaugnayan sa trabaho ng biktima.
Habang sinabi ng ama ng biktima na si Rey Aniceto, naniniwala siyang walang kinalaman sa trabaho ng biktima bilang customs broker ang insidente dahil walang nakaaway ang kanyang anak sa Aduana.
Napag-alaman din ng pulisya na kamakailan ay nakipaghiwalay ang biktima sa kanyang kasintahan.
(ROMMEL SALES)