Saturday , November 16 2024

EDSA People Power Anniv iisnabin muli ni Digong

HINDI pa rin dadalo si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagdiriwang ng 32nd EDSA People Power anniversary sa Metro Manila sa 25 Pebrero, pahayag ng People Power Commission member nitong Biyernes.

“The president will be in Davao City during the EDSA People Power anniversary celebrations. He is a very prudent person. He said, ‘Wala naman ako riyan (EDSA People Power) and I want to spend it with my people in Davao,’” pahayag ni People Power Commission member Pastor “Boy” Saycon.

Nitong nakaraang taon, hindi rin dumalo si Duterte sa EDSA anniversary sa Camp Aguinaldo at mas piniling dumalo sa muling paglulunsad ng Comprehensive Agreement on the Bangsamoro sa Davao.

Pinahintulutan ni Duterte, inihayag ang kanyang paghanga kay dating Pangulong Ferdinand Marcos, ang paglilibing sa dating diktador sa Libingan ng mga Bayani noong 2016 makaraan ang final go signal mula sa Supreme Court.

Ilang beses din pinasalamatan ni Duterte ang anak ni Marcos, si Norte Governor Imee Marcos, sa pagsuporta sa kanyang presidential bid noong 2016.

“Wala akong barangay captain, congressman. Wala akong pera. Si Imee pa ang nagbigay, sabi niya inutang daw niya. Imee supported me,” pahayag ni Duterte sa ilan sa kanyang public speeches makaraan manalo bilang pangulo ng bansa.

HATAW News Team

About hataw tabloid

Check Also

Bamboo Kawayan

Pamangkin hinamon ng duwelo , Tiyuhin patay sa palo ng kawayan

BINAWIAN ng buhay ang isang 55-anyos na lalaki matapos ilang ulit paluin sa ulo ng …

DOST Teams Up with Wadhwani Foundation to Accelerate Filipino Innovation

DOST Teams Up with Wadhwani Foundation to Accelerate Filipino Innovation

THE Department of Science and Technology (DOST) and the Wadhwani Operating Foundation have signed a …

Artist Lounge Talents MultiMedia Inc

Artist Lounge Talents MultiMedia Inc. inilunsad

MATAGUMPAY ang grand launching ng Artist Lounge Talents MultiMedia Inc., na ginanap last November 10 sa Activity …

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *