Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Vendors muling naghari sa Blumentritt

MULI na naman namayani ang mga vendor sa kahabaan ng kalye Blumentritt sa Sta.cruz, Maynila.

Namutiktik na parang mga kabute at ultimo kalsada ay sinakop na. Muling naging paagaw ang lahat ng espasyo gaya ng bangketa, kalsada at ultimo center island ay kanilang okupado.

Kung ikokompara sa nakaraang administrasyon partikular sa detachment commander ay parang malayo ang mga bagong upo na pinamumunuan ng isang kapitan.

Dati-rati’y maluwag ang trapiko maging ang mga pedestrian ay malayang nakapaglalakad sa bangketa’t kalye.

Dati’y puwede kang maglaro ng patintero at tumbang preso, ngayon ay taguan pong na lang ang puwedeng laruin dahil sa kapal ng tao sa kalye at pila-pilang sasakyan na animo’y doon na nakaparada.

Hindi naman sinasabing walang vendors noong nakaraan, mayroon din pero may disiplina at hindi nakabalagbag kung saan lang. May disiplina at respeto sa pamunuan ng detachment ng pulisya sa Blumentritt.

Napanatili ng mga pulis ang kaayusan at ang limitasyon ng mga vendor pati na ang kanilang hangganan. Kada media-ora ay may nagrerekisang pulis at mobile car na nagbibigay ng hudya’t kung lumalagpas na sa tinakdang lugar na ibinigay.

May mga umiikot na pulis ngayon, kaya lang ay hindi natin alam kung anong klaseng ikot ang ginagawa at kung magkano. Tanging araw lang ng linggo makikitang nakabalagbag ang mga vendor noon dahil iyon ang kanilang pribilehiyo at day-off at magiging spoiled man lang minsan.

Ngunit Lunes hanggang Sabado ay balik uli sila sa kaayusan, disiplina ay limitasyon sa mga espasyong tinakda sa kanila. Ganoong kalakaran ang hinahanap ng mga residente, mamimili, motorista at ng buong publiko. Disenteng-bastos wika nga…

Galingan lang at ayusin.

Sa mga bagong opisyal ng Blumentritt detachment, umaasa sa inyo ang Dabarkads at madlang people.

Huwag puro ayos, ayusin po natin…

RIZAL AVENUE OKOPADO
NG BALAGBAG NA PILA
NG TRICYCLES

Inirereklamo ng mga concern citizen ang kawalan ng disiplina at pagiging abusado ng mga driver ng tricycle na nakabalagbag at halos o­kupahin na ang magkabilang lane ng Rizal Avenue sa Blumentrit, Sta. Cruz, Maynila.

Halos puro pila ng tricycle ang makikita nang bulgaran at prenteng nakahimpil mula Mercury Drug, simbahan ng San Roque , Mc Ddonalds at ultimo riles ng tren sa nasabing lugar.

Wala nang madaanan ang mga pedestrian at araw-araw na nagiging sanhi ito ng mabigat na trapiko.

Parang sa kanila na ang buong kalye dahil bukod sa terminal ay parang legal sa kanila ang mag-counterflow sa isang major thoroughfare.

Ang nakagugulat, sandamakmak ang traffic enforcers na nakadetine sa nasabing lugar pero dedma lang.

Mistulang mga bulag, pipi, at bingi. Ang tanging aksiyon na ginagawa ay pumito nang pumito. Ingat kayo baka lumaki at lumobo ang mga itlog ninyo. Galaw-galaw naman kayo riyan at baka magkapalit-palit ang mga mukha sa dami ninyo.

Pero bilib pa rin ako sa husay ninyo, mantakin n’yo sa dami ay napagkakasya n’yo ang tara na natatanggap ninyo… iyon ay kung mayroon lang e kung wala naman e di magaling!

Magkano nga?! He he he…

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Bong Ramos

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Bakit hindi dapat agad paniwalaan si Bernardo

AKSYON AGADni Almar Danguilan BAGONG TAON ng 2026 na pero nananatiling walang napaparusahan na “big …

Firing Line Robert Roque

Prangka kaysa pakitang-tao

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. KUNG napanood mo ang recent episode ng “Storycon” sa …

Sipat Mat Vicencio

Kapag bumaliktad si Martin Romualdez, lagot si Bongbong

SIPATni Mat Vicencio NAGKAKAMALI si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., kung inaakalang ligtas na ang …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Rep. Romualdez, dapat kasuhan sa flood control corruption — DPWH Sec. Dizon

AKSYON AGADni Almar Danguilan NANINDIGAN si  Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Opisyal ng BOC at mga tauhan nito pinaiimbestigahan sa isyu ng smuggling

AKSYON AGADni Almar Danguilan PINAIIMBESTIGAHAN sa Malakanyang ang umano’y smuggling activities at korupsiyon sa Bureau …