Monday , December 23 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Filing of SALN na naman!

ANG bilis ng panahon talaga, submission na naman pala ng taunang sworn Statement of Assets, Liabilities and Networth (SALN) para sa calen­dar year 2017.

Sigurado, marami na naman ang aligaga at maa-alarma kada aabot ang umpisa ng taon dahil hindi malaman kung paano idedeklara at i-justify ang kanilang mga yaman at ari-arian.

Tiyak rin umano na darami ang mga sinungaling kada dumarating ang panahong ito.

Hehehe…

Gaya na lang ng maraming Immigration Officers (IOs) na tinatawag na novatos o ‘di kaya ‘yung pumasok sa Bureau na parang pinabili lang ng suka sa tindahan ng nanay nila.

Matapos ang ilang taon sa BI ay umaariba na agad sa kalsada gamit ang kanilang naggagandahang SUV o ‘di kaya naman ay kotse na amoy galing pa sa casa!

Nandiyan din sa panig ng mga kababaihan ‘yung mahilig rumampa na akala mo ay “mowdels” ng isang fashion magazine habang suot ang kanilang LVs o ‘di kaya ibang signature brands of bags, sapatos o alahas.

Susmaryosep!

Sa panig ng mga tinatawag na “titos and titas” sa gobyerno, medyo “passe” na sa kanila ang pumorma o rumampa at ‘di na sila fashion conscious sabi nga.

Ang concern nila ay ‘yung kanilang condo, apartments, farm, resorts, hacienda at paminsan-minsan ay travels sa ibang bansa.

Huwaw!

Life of the rich and famous after their retirement as they may say…

Pero gano’n talaga ang buhay, halos iisa lang din naman ang likaw ng bituka ng mga nasa gobyerno.

Mayroon talagang mapapalad. Mayroong hindi pinalad. Nandiyan din ‘yung mga tinatawag na madiskarte. Pero mas marami pa rin ang nagti­yaga na lang sa tinatanggap na suweldo o sahod kaya naman inabot ng retirement pero walang ipinagbago ang buhay nila.

Tsk tsk tsk…

Well, wala naman tayong masamang tinapay kung saan kayo nalilinya sa mga kategoryang ‘yan. Just make sure na maging sincere lang sa pagdedeklara ng mga naipon at hard-earned money ninyo.

Kung ma-justify naman lalong walang problema.

So, sa darating na April 15 don’t forget to submit your SALN at pagkatapos daan na lang kayo kay “father” at mangumpisal na rin kayo!

Hehehe…

MAY
NASAGASAAN
SI DADS!?

ISA pala sa tinamaan o nasagasaan sa paglipat ni Dads Piñera sa BI-PEZA ay itong si alias Enteng Kabisote.

Ganoon na lang daw ang sama ng loob ni Enteng nang malamang nasakop pala ang kanyang kaharian.

Sayang daw at talagang at home na sana siya sa kanyang dating puwesto sa PEZA. Hindi raw akalain ni Enteng Kabisote na siya ay masusulot ‘este papalitan.

How cruel naman!

Isipin na lang na kadarating lang sa BI-PEZA  at ‘di pa nag-init sa kanyang puwesto ay para siyang informal settler na kung saan-saan dinadala at pinalilipat-lipat ng puwesto?

Wattafak!?

Ginawa lang na parang tsubibo?

Ay totoo ka!

Ang alam nga ng lahat, doon na magtatagal ang career ni Kabisote dahil kailan nga lang ay nanggaling pa siya sa BI Olongapo na feeling secured na secured na.

Paano mangyayari ang ganoon, samantala ipina-deport nga pabalik ng Maynila dahil sa magkakasunod na kapalpakan.

Nagkataong sinuwerte lang si Kamote ‘este Kabisote at muling nagkaposisyon sa PEZA.

Pero sino naman kaya ang author ng pagpapatalsik sa kanya sa opisina?

Wala kayang kinalaman ang dating bff niya na si Atty. Pepper?!

Bakit naman e dati nga silang sanggang-dikit ‘di ba?

‘Yun ang ‘di natin alam!

Sabagay, sabi nga nila, “sometimes your best­friend may be your worst enemy!”

What d’ya think of that Atty. Pepper?

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *