Monday , December 23 2024

Sa sobrang init Koreana inatake sa puso sa Kalibo Int’l Airport (Paging: CAAP DG Jim Sydiongco)

SPEAKING again of Kalibo International Airport (KIA), ano itong nabalitaan natin na isang pasaherong Koreana ang namatay dahil sa matin­ding congestion sa nasabing airport?

Si Ko Wook Kyeung, isang Korean national ay bigla raw nanikip ang paghinga at inatake sa puso habang binibigyan ng first aid sa loob ng clinic ng nasabing airport.

OMG!

Hindi raw natagalan ng Koreana ang teribleng init sa paligid at loob ng KIA kaya raw unti-unting hinimatay kasunod ng cardiac arrest.

Wattafak!?

‘Yan na nga ba ang sinasabi natin noon pa sa airport na ‘yan.

Sobrang sikip at sobrang congested na hindi naman talaga kaya i-accommodate ang libo-libong mga pasahero.

Ilang ulit na natin tinatawag ang pansin ng pamunuan ng CAAP diyan sa KIA pati na rin ni CAAP DG Jim Sydiongco na huwag nang magbigay ng landing permit sa iba pang mga eroplano na gustong lumapag doon.

Pero palibhasa matigas ang kukote ng kasalukuyang airport manager doon at hindi alintana ang hirap na dinaranas ng mga pasahero na karamihan ay mga turista mula sa ibang bansa.

Huwag tayo magtaka kung may mga susu-nod  pang  matodas s a nasabing airport dahil ilang beses na akong dumaan diyan at nakita ko na hindi sapat ang airconditioning system nila para palamigin ang pasilidad!

Talagang mamamatay sa init at inis lalo ang mga bata at matatanda.

Isipin na lang na hindi bababa sa 10 libong pasahero ang dumarating araw-araw sa nasa-bing airport at tila “wapakels” si Kalibo CAAM Efren Nagrama sa hinaing ng concerned citizens sa KIA!

DOTr Secretary Arthur Tugade, baka po kinakailangan na kayo mismo ang mag-inspect ng kasalukuyang airport at i-check kung bakit pa-tuloy ang pagbibigay ng landing permits sa mga eroplano kahit hindi kayang i-accommodate pa?!

Paki-check na rin kung kaya pang i-handle ng kasalukuyang manager ng KIA ang pagpapatakbo ng airport na ‘yan!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *