Saturday , November 23 2024

Panaginip mo, Interpret ko: Daga sa door at paulit-ulit na panaginip

Gud pm Señor,

Nagtxt aq dhil s drim q about s door na pagbukas ko may daga dun , plus isa pa, bkit may mga drim aq minsan na paulit2 o pabalik balik? ‘Yun na, wag mo na lang ilgay cp no. q, I’m Rafa, ty.

To Rafa, 

Ang pinto sa panaginip, kung ikaw ay pumapasok dito ay nagsasaad ng mga bagong oportunidad na dumarating sa iyo. Ikaw ay pumapasok sa bagong kabanata ng iyong buhay at lumilipat o gumagalaw from one level of consciousness to another.

Partikular, a door that opens to the outside ay nagsasabi na dapat kang mas maging accessible to others. Samantala, a door that opens into the inside ay nagsasabi ng iyong paghahangad ng ukol sa inner exploration and self-discovery.

Kapag bukas ang pinto, ito ay simbolo ng i­yong receptiveness at kahandaang tumanggap ng bagong ideya at konsepto. Kung may ilaw sa likod ng pinto, nagsasabi ito that you are moving toward greater enlightenment/spirituality. Kapag ang pinto ay sarado o naka-lock, may kaugnayan ito sa oporunidad that are denied at hindi available sa iyo o kaya ay nalampasan ka na. Mayroong humahadlang sa iyong pag-unlad. Ito ay simbolo rin ng ending of a phase or project.

Kapag nanaginip na isinasara mo ang pinto, nagsa-suggests ito that you are closing yourself off from others. Ikaw ay may pag-aalinlangan na papasukin sa buhay mo ang ibang tao at ipaalam ang tunay mong damdamin. May kaugnayan din ito sa ilang pangamba at low self-worth.

Kung may nagbalandra sa mukha mo ng pinto, may kaugnayan ito sa pakiwaring na-shut out ka sa ilang gawain o kaya naman, nagpapahiwatig ito na ikaw ay binabalewala o hindi pinapansin.

Ang daga naman ay may kaugnayan sa feelings of doubts, greed, guilt, unworthiness, at envy. Pilit mong itinatago ang isang bagay na labis na nagpapahirap sa iyo o kaya naman, may nagawa kang bagay na hindi mo ikinararangal. Alternatively, ang panaginip ukol sa daga ay may kaugnayan din sa repulsion, decay, dirtiness, and even death.

Ang panaginip mo ay nagsa-suggest din ng iyong kawalan ng kakayahang harapin ang ilang unconscious issues or feelings. Kailangang mas malaman mo at kilalanin ang mga bagay na nararamdaman mo. Maaari rin namang kabilang sa mensahe ng panaginip mo ang paghahanap mo ng mga bagay na makapagpapaligaya sa iyo nang lubusan.

Ang pabalik-balik na panaginip ay kadalasang nangyayari na mayroong kaunting pagkakaiba lang sa tema ng napanaginipan mo. Ang ganitong panaginip ay maaaring positibo ang hatid sa nana­naginip, ngunit kadalasang nightmarish o hindi maganda ang nilalaman nito. Posibleng ang rason nito ay dahil ang conflict na nasa iyong panaginip ay hindi pa nareresolba o hindi mo binibigyan ng pansin. Ngunit sa oras na nakahanap ka na ng solusyon sa bagay na ‘yan, kusang matitigil ang ganitong klase ng panaginip mo. Kadalasan, ang mga panaginip ay may hatid na mensahe na naglalayong turuan ka hinggil sa iyong sarili.

Gayonman, madalas din na paggising natin upang gawin ang ating pang-araw-araw na routine, may mga taong nakakalimutan ang kanilang napanaginipan. Maaaring ang mensahe nang paulit-ulit na panaginip ay sobrang mahalaga o malakas kaya hindi ito umaalis o madalas mangyari ulit.

Ang rason nito ay upang mapansin mo at gumawa ka ng hakbang. Pangkaraniwan lang naman ang ganitong sitwasyon na bunsod ng mga bagay na nangyayari sa ating paligid, dahil sa suliranin sa buhay, o mga pagbabagong kinakaharap na labis na nagbibigay ng malaking epekto sa atin.

Ang ganitong panaginip ay maaaring maulit nang once a week o once a month o mas madalas pa. Ngunit gaano man ito kadalas, ito ay nagha-highlight ng personal weakness, fear, or your inability to cope with something in your life –— sa kasalukuyan man o sa nakalipas. Nagbibigay ng mahahalagang impormasyon ang repetitive patterns ng iyong panaginip.

Maaaring may kaugnayan ito sa conflict o mga sitwasyon na hindi pa natutuldukan, nareresolba o nagkakaroon ng closure. Dapat lang na maintindihan ang mensahe ng panaginip na paulit-ulit at harapin na ito. Señor H.

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

Krystall herbal products

Produktong Krystall katuwang ng pamilya ng delivery rider sa pag-aalaga ng kalusugan

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong, Ako po si …

DOST NSTW Cagayan de Oro City

DOST brings nat’l science, technology, and innovation week in Cagayan de Oro City

The Department of Science and Technology is set to hold the 2024 National Science, Technology, …

DOST-PCCI innovation hub to boost enterprises’ growth

In a landmark collaboration aimed at bolstering the nation’s innovation and economic growth, the Department …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *