Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kate Brios, bilib sa galing ni Allen Dizon

PROUD ang aktres, movie producer, at MTRCB board member na si Kate Brios dahil nakapasok sa 4th Sinag Maynila Film Festival ang pelikula nilang Bomba na tinatampukan nina Allen Dizon at Angellie Nicholle Sanoy, mula sa panulat at pamamahala ni Direk Ralston Jover. Ang naturang filmfest ay magaganap sa  March 7-14 at mapapanood exclusively sa SM Cinemas sa Metro Manila.

“Super-proud ako sa finished product ng movie na Bomba, binusisi bawat eksena ng director namin, si Direk Ralston Jover. At alam natin na matagal nang direktor si Ralston at maganda talagang gumawa ng pelikula si direk. Nagulat pero masaya ako dahil napili ito sa Sinag Maynila. Sa rami ng nag-submit, isa ang movie na Bomba sa napili.

“Plus, itong Bomba na ngayon ang daming awards na nakamit sa ibang panig ng mundo, kaya super-proud talaga ako,” masayang saad ni Ms. Kate.

Pahabol niya, “Siyempre ang lahat ng gumanap sa Bomba, lalo na si Allen Dizon na napakarami nang awards na nakamit, super-proud talaga ang mararamdaman ng sinomang bahagi ng pelikula. Then ako, for the first time nakasama ko si Allen sa mga eksena, sobrang galing niya, napaka-professional pa,  kaya masaya akong nakasama siya, pati si Angellie Nicholle.

“Iyong eksena ko rito’y napaka-intense, ‘yung character ko rito ay strong person na employer ni Allen na sanhi ng pag-iba ng utak ni Pipoy (Allen), kaya siya naghuramentado. Nag-enjoy ako sa role ko rito bilang Madam na may-ari ng funeral business. Naiiba naman iyong character ko rito, kaya masaya ako na naging part ako ng pelikulang Bomba.”

Kabilang sa ilang mga parangal na natamo na ng Bomba sa 33rd Warsaw International Film Festival na pinarangalan sina Allen at Angellie Nicholle ng Special Jury award. Nanalo rin si Allen ng Best Actor sa Dhaka International Film Festival sa Bangladesh para makamit ang second international Best Actor award niya para sa naturang pelikula.

Tampok din sa Bomba sina Alan Paule, Sue Prado, Felixia Dizon, Joel Saracho, Tabs Sumulong, Lucas Dizon, at Romeo Lindain.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Lala Sotto MTRCB

Sa pamumuno ni Chair Lala Sotto, MTRCB nakapagribyu ng 172,000 na materyal noong 2025; isinumiteng mga pelikula umangat sa 13.34%

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAKAPAG-REVIEW ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), …

Beauty Gonzalez

Beauty certified yoga instructor na

I-FLEXni Jun Nardo MATAPANG, bumiyahe mag-isa si Beauty Gonzales, huh! Ginawa niya ‘yan nang pumunta siya …

Robi Domingo John Lloyd Cruz

John Lloyd at Robi muntik daw magsuntukan sa kasal nina Zanjoe at Ria

MA at PAni Rommel Placente HOW true na muntik na raw magsuntukan sina Robi Domingo at John Lloyd …

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …