Friday , December 27 2024
OFW kuwait

Gov’t officials na nagpabaya sa OFWs panagutin

MATINDI pa rin ang isyung bumabalot sa mga overseas Filipino workers (OFWs) na naabuso sa ibang bansa, gaya na lang nang nangyari kay Joanna Demafelis, ang OFW na itinago sa freezer nang isang taon ng kanyang mga employer, at itong kay Josie Perez Lloren,  na umuwing may sakit at makalipas ang ilang araw ay namatay.

Lagi ang bintang o paninisi ay sa mga employer na umabuso sa kanila. Kung minsan naisasali rin ang mga recruiter na silang naging tulay para makaalis sa bansa ang mga OFW, at makaranas nang pang-aabuso. Ang isang hindi nakikita madalas ay kung may pagkukulang din ba ang mga opisyal ng ating pamahalaan na nasa ibang bansa na sila dapat ang nangangalaga ng kapakanan ng ating OFWs.

Maraming kuwento tayong naririnig tungkol sa mga pagpapabaya mismo ng mga opisyal at empleyado sa mga embahada, consular offices, at iba pang tanggapan ng pamahalaan na may kinalaman sa OFWs, pero parang wala tayong masyadong na­ririnig na balita kung nadidisiplina ba sila o napaparusahan.

Tama ang panawagan ng ilang grupo na dapat ay imbestigahan din ang mga opisyal ng embahada o konsulado at  iba pang ahensiya ng pamahalaan na may kaugnayan sa OFWs, na nagpabaya sa kanilang mga trabaho. Kung tapat bang ginagawa ang kanilang trabaho at tunay na nagmamalasakit sa mga tinatawag na bagong bayani, mangyayari ba ang mga nangyari kay Demafelis at Lloren?

Bukod sa total deployment ban na inisyu ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte sa Kuwait, kaya rin kaya niyang disiplinahin o parusahan ang mga opisyal na nagpabaya sa mga OFW? Gov’t officials na nagpabaya sa OFWs panagutin

About hataw tabloid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *