PARANG binuhusan ng malamig at mainit na tubig ang aming pakiramdam nang makatanggap kami ng tawag nitong Biyernes mula sa aking sister na si Alma sa General Santos City para iparating na namaalam na aming 74 year old mother na si Nanay Elena.
Ang dami kong memories sa aking Ina… during my younger age ay kasama ko na sa pagnenegosyo ng mga kakanin. Tulong-tulong kaming lahat sa pagluluto at ako naman ang tagalako nito.
Noong mga panahong iyon, isa iyon sa aming ikinabubuhay sa aming lugar kasama ang kita ng aking late Father na si Tatay Carling na kilalang electrician at event announcer sa GenSan na ang huling napagserbisyohan ay si Sen. Manny Pacquiao.
Nang mabigyan ako ng break ng sikat na lady broadcaster sa DXCP GENSAN na si Ate Beth Bairoy, ay number one na masugid kong tagapakinig ang aking nanay na tuwang-tuwa kapag may bitbit akong pasalubong para sa kanya at sa aking mga kapatid sa pag-uwi sa aming bahay.
Masakit mang tanggapin na wala na ang aming nag-iisang Nanay Elena ay kaloob ito ng Diyos at sadyang ganyan ang realidad ng buhay at lahat naman tayo ay papunta roon.
Paalam mahal naming Nanay Elena. At sa lahat ng mga nagmamahal, nakiramay, at nagbahagi ng kanilang love offering, a million thanks and God bless po sa ating lahat!
VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma