Friday , November 15 2024
Sipat Mat Vicencio

Siguruhin ang kaligtasan ng OFWs

Tama ang naging desisyon ni Pangulong Ro­drigo “Digong” Duterte na pauwiin ang overseas Filipino workers (OFWs) kasabay ng pagdedeklara ng total deployment ban sa mga Pinoy na manggagawa sa Kuwait.

Ang ganitong posisyon ni Digong ay pagpapakita na hindi na dapat maulit ang patuloy na pang-aabuso at pagmamalabis na ginagawa ng mga employer sa Kuwait sa ating OFWs.

Kung tutuusin, matagal na dapat itong ginawa ng gobyerno ng Filipinas pero ang nakapagtataka ay hinayaan ito ng mga lider ng nagdaang administrasyon, kahit pa kaliwa’t kanan ang ginagawang pang-aabuso sa OFWs.

Alam nating ang mga manggagawa sa abroad, partikular ang mga nakabase sa Middle East ang pinakamalaking contributor sa pag-a­ngat ng ekonomiya ng bansa pero ang nakalulungkot nito, ang mga OFW din ang pinamakatinding naabuso ng kanilang employers.

Nitong nakaraang taon nakapagtala ng pinakamataas na remittance ang OFWs na u­mabot sa $26.9 bilyon kompara sa $25.61 bilyon noong 2015. Ang bulto ng remittances ay galing sa mga manggagawa mula sa Middle East.

Kaya nga, sa kabila ng malaking ayuda ng OFWs sa ating ekonomiya, nasaan naman ang tulong ng pamahalaan para maprotektahan ang mga manggagawang Filipino na lantad sa mga pang-aabuso ng kanilang mga employer?

Bagamat sinusuportahan natin si Digong sa kanyang ginawang total deployment ban sa Kuwait, kailangang siguruhin ng kanyang administrasyon na meron itong maibibigay na trabaho sa mga OFW na nauna nang umuwi sa bansa.

Napipilitan magpakatulong ang marami na­ting mga kababayang Filipino sa Middle East dahil sa kawalan ng oportunidad sa Filipinas; wala silang makuhang trabaho na may disenteng pasahod at benepisyo.

Masasabi nating band aid solution ang pagpapauwi sa mga OFW mula sa Kuwait kung hindi naman sila magkakaroon ng matinong trabaho dito sa Filipinas.

Tiyak na marami pa ring mga manggagawang Filipino na magtatangkang pumuslit patungong Kuwait at sa ilan pang bansa sa Middle East kahit mapahamak pa sila dahil nga sa kawalan ng oportunidad sa Filipinas.

Ang pagbibigay ng matinong trabaho ang mabigat na tungkulin ngayon ni Digong.  At kai­langang bigyan prayoridad dito ang mga umuwing OFWs lalo na ang mga winalanghiya ng mga among Arabo.

Kailangan din siguruhin ng mga embahada ng Filipinas ang kaligtasan at kapakanan ng OFWs na kasalukuyang nagtatrabaho sa ilan pang mga bansa sa Middle East.  Mauuulit at mauulit lamang ang mga pagsasamantala sa mga manggagawang Pinoy kung hindi kikilos ang mga kinauukulan na dapat ay nangangalaga sa kapakanan ng mga OFW.

About Mat Vicencio

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *