MAY bagong career ang lawyer-actress na si Atty. Jemina Sy bilang segment host ng trending show na To A T, hosted by Fil-Brit model na si Sig Aldeen at napapanood tuwing Linggo, 9:30-10:00 am sa FOX Life. Nag-start na ito last Sunday, February 18 na sina Jemina at Sig ay ipinakitang ginalugad ang mas maraming travel destinations at exciting features na kaabang-abang.
Ipinahayag ni Atty. Jemina ang kagalakan sa oportunidad na ito. “Hosting a TV show is a new journey for me. I am so flattered that they trust me to be part of the show. Ang show na To A T continues to cater to wanderlusts who love to discover unexplored travel destinations both here and abroad. Aside from travel, ang show ay nagha-highlights din ng trending topics sa health, beauty, fashion and technology.
“It’s in my nature to face new challenges in life. That’s why I try all the opportunities that come my way. Not everyone is given the same offer I get.”
Aminado siyang gustong matupad ang passion sa larangang ito habang ginagawa ang kanyang real-life role bilang abogada. “It seems that my star is leading me to my other calling that is to be in showbiz. And I’m very much ready to be part of it. I enjoy what I do. That, I guess, is more important,” pakli niya.
Dagdag ng masipag na lady lawyer, “Sa cable ito napapanood, iba-ibang channel dpende kung anong cable ang gamit mo. Sa Sky Cable: Channel 48 (SD Metro Manila), 172 (HD Metro Manila, 606 (SD provinces), 742 (HD provinces); Destiny Cable: Channel 48 (Digital), 172 (HD Digital); Cablelink Channel 28; Cable Star Iloilo Channel 31; Parasat Cable Tv Channel 47; Satellite: Cignal TV Channel 124 (SD), 232 (HD); Dream Satellite TV Channel 16; at G Sat channel 36 (HD).
“Basta pakihanap na lang ang Fox Life sa mga TV ninyo and you will see me,” nakatawang saad ni Atty. Jemina.
Bakit ang title ng show ay To A T? “Kaya po To A T, kasi ang ibig sabhin ay perfect combination, T for #travel, T for #trivia, T for #tips, T for #taste, at T for #trends.”
Ang To A T ay patuloy na nagbubukas ng pinto sa mga wanderlust na ibig madiskubre ang unexplored travel destinations both here and abroad. Ito’y maghahatid din ng mas maraming practical tips and tricks sa mga manonood para ma-enjoy nila ang kanilang travel goals sa pinaka-unique na paraan. Bukod sa travel, makikita rin dito ang ukol sa trending topics sa health, beauty, fashion at technology. Ito ay prodyus ng TV8 Media Productions, ang kaparehong team na nasa likod ng groundbreaking shows na Health Matters sa ANC at Business Matters sa Bloomberg.
ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio