Tuesday , December 24 2024
Horacio Tomas Atio Castillo III

8 Civil Law students pinatalsik ng UST (Sa Atio Castillo hazing)

INIUTOS ng University of Santo Tomas (UST) ang pagpapatalsik sa walong law student bunsod ng umano’y pagkaka­sangkot sa pagkamatay ng hazing victim na si Horacio “Atio” Castillo III.

Iniulat ng official publication ng unibersidad, The Varsitarian, nitong Linggo, na walong civil law students ang napatunayang “guilty of violating the Code of Conduct and Discipline and imposing the supreme penalty of expulsion.”

2 SAF patay, 6 sugatan sa ambush sa Antipolo (Opensiba inamin ng NPA)

Gayonman, hindi tinukoy sa ulat ng Varsitarian, ang pagkakakilanlan ng mga pinatalsik na estudyante.

Ang resolusyon ay ipinalabas ng fact-finding committee na binuo ni UST Rector Fr. Herminio Dagohoy, O.P., noong 19 Setyembre 2017.

Patuloy ang imbestigasyon ng komite at nangakong ipagpapatuloy ang pagsisiyasat hanggang mapanagot ang lahat ng mga estudyanteng responsable sa pagkamatay ni Castillo.

“The University reiterates its commitment to ferret out the truth, determine liability, and impose the appropriate sanctions. In the Eucharistic Celebrations held at the UST Faculty of Civil Law, at the Santuario de San Antonio during the wake and at the UST Chapel during the day of mourning for the death of Horacio, UST has always been one with the Castillo family in the steadfast call for everyone to pray and work together to achieve justice for Horacio and for truth to prevail,” ayon sa pahayag ng UST.

“It recommended a comprehensive review of the Student Handbook and the accreditation process for organizations. It issued an indefinite moratorium on the recruitment and all other activities of all fraternities and sororities in the University,” dagdag ng UST.

About hataw tabloid

Check Also

Robin Padilla Cannabis Marijuana

Robin iginiit benepisyong medikal na makukuha sa cannabis

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MASIGASIG si Sen. Robin Padilla sa pagsusulong ng medical cannabis dahil naniniwala …

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *