SUMABOG daw ang galit ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre DOJ BI Immigration NBI money Aguirre matapos umabot sa kanyang kaalaman na tatlo sa mga staff ni Department of Justice (DOJ) Usec. Erickson Balmes ang kumana ng ilang milyong piso sa pamamagitan ng pagsingil sa “Quota Visa” para sa Chinese nationals.
Sina Cyruz Morota, isang JO Abvic Ryan Manghirang, at Shigred Erigbuagas na pawang executive assistant at admin aide ay nabuking na naningil ng kabuuang P5 milyon para magproseso ng nasabing mga Quota Visa!
Wattafak!?
Mula pa raw September 2017 ay inumpisahan na nilang ayusin ang mga application ng kanilang mga kliyente pero hanggang inabot nang siyam-siyam, wala pa rin maipakitang resulta sa kanilang mga kliyente kaya minabuti nilang mag-file na ng reklamo laban sa grupo.
Sa kasagsagan ng imbestigasyon na ginawa ng NBI, napag-alaman na kasama pala sa mga bulilyaso ng tatlong akusado ang pamemeke sa lagda ni Usec. Balmes kasama rin ang fake stamp galing sa opisina ni BI Commissioner Jaime Morente na kanilang iniharap sa mga aplikante ng nasabing visa.
Sa ngayon ay tuluyan nang inalis sa serbisyo ang grupo nina Morota, Maghirang at Erigbuegas at pinag-aaralan pa ang iba pang mga kaso na puwedeng isampa sa kanila!
Sa inilabas na statement ng Departamento ni SOJ Aguirre, magsilbing aral para sa lahat ang ganitong ginawa o aktibidades ng ilang grupo riyan sa DOJ, BI, NBI na mahilig dumiskarteng bulok para lamang kumita.
Sapol kayo ngayon!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap