Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Career sa radyo ng lady broadcaster/singer na si Pangga Ruth Abao, in na in pa rin

EARLY 90s nang pasukin ni Pangga Ruth Abao, ang broadcasting industry at dahil may angking galing sa pagraradyo ay agad nakilala ang beauty ni Pangga.

Lalo pang sumikat si Pangga Ruth noong kunin siya ng ABS-CBN para mag-host at parte ng “Intrigera Usisera” kasama sina Edinel Calvario at Bff kong si Pete Ampoloquio, Jr.

Noong mga panahong iyon ay nanguna sa ratings ang show nila sa mga programa ng DZMM at plano na sanang gawan ito ng TV show pero sa hindi malamang rason ay hindi natuloy.

But no regrets ang amiga naming radio personality endorser (Pangga Ruth) dahil pagkatapos ng episode niya sa DZMM ay naging reyna naman siya ng DZRH at tandem niya ang matapang na broadcaster na si Deo Macalma.

Ngayon ay nasa DWIZ (882 KHZ) na si Pangga at inyo siyang mapapakinggan sa kanyang dalawang programa ang “Push Mo ‘Yan ‘Teh” na napapakinggan Lunes hanggang Biyernes from 1:30 pm to 4:00 pm at umeere naman gabi-gabi (10:00 pm to 11:00 pm) ang kanyang “Pangga Ruth Abao Live” at masaya ang show dahil nakikipag-interact ang magandang host sa kanyang listeners na may problema sa sex.

Hatid ng KREBB C, na kanyang ineendoso ang nasabing programa. Mapapakinggan n’yo rin dito ang iba’t ibang testimony mula sa Krebb users kung paano sila pinagaling ng nasabing vitamins sa kanilang mga sakit.

Si Pangga Ruth ay endorser din ng Jewels Clothing at Growvimin Multivitamins for Kids at isa rin siyang Lounge singer.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …