Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Comm. Lapeña, you’re the best!

CONGRATULATIONS sa Buong Bureau of Customs sa naganap na 116th BOC Founding Anniversary.

Napabilib ni Comm. Lapeña at ng buong bureau si Pangulong Rody Duterte at successful ang ginawang pagwasak sa mga sasakyan ng smuggled at sa mga opisyal na nabigyan ng parangal dahil sa pagkakaabot ng kanilang mga target na koleksiyon.

Mataas ang koleksiyon ng bureau dahil sa magandang pamumuno ni Customs Chief Lapeña at siyempre dahil sa kamay na bakal ang ipina­patupad.

Isa sa mga nakabibilib sa Aduana, lahat ay nagkakaisa sila upang tuluyang wakasan ang smuggling at nagkakaisa sila na maabot at malagpasan ang target collection na iniatang sa kanila.

Kaya naman sa speech ni Comm. Sid ay napakara­ming magagandang sinabi kaya naman hanga at kontento ang mga bisita sa mga narinig at napanood na accomplishments report at ang Pangulong Duterte.

Sabi nga ng marami mukhang ‘di napapagod si Comm. Sid dahil ang gusto niya ay tunay at tapat na serbisyo publiko ang kanyang mission sa gobyerno.

Sa edad ni Comm. Sid ay talagang he is the man of the hour at napakalakas niya at napakadisiplinadong tao at napakasimple kaya gusto siya ng tao at taongbayan dahil sa malinis na pagsisilbi sa Duterte administration.

Kaya naman ang tawag kay Comm. Lapeña ay Mr. Clean dahil napakalinis ng kanyang ha­ngarin sa lahat.

Magpasalamat tayo at may isang taong kagaya niya na may malasakit sa Pangulo, kahit ano ay gagawin mapatino lang ang lahat ng empleyado sa kanyang nasasakupan.

Inaayos niya noon ang PDEA kaya naman sa BoC ay inaayos din niya.

Mabuhay ka Comm. Sid, you’re the best!

***

Congratulations din pala sa lahat ng emple­yado na umabot ng 10, 15, 20, 25, 30 at pataas na taon na nagtatrabaho sa BoC. Lahat kayo ay serbisyo publiko at tapat sa tungkulin kaya ang Pangulo ay hanga sa inyong lahat.

Congratulations din sa technical working group dahil lahat ng events ng BoC ay successful. Lahat ay nagtulong-tulong sa pagbuo ng magandang programa sa anniversary ng Customs!

Mabuhay kayong lahat!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jimmy Salgado

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Bakit hindi dapat agad paniwalaan si Bernardo

AKSYON AGADni Almar Danguilan BAGONG TAON ng 2026 na pero nananatiling walang napaparusahan na “big …

Firing Line Robert Roque

Prangka kaysa pakitang-tao

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. KUNG napanood mo ang recent episode ng “Storycon” sa …

Sipat Mat Vicencio

Kapag bumaliktad si Martin Romualdez, lagot si Bongbong

SIPATni Mat Vicencio NAGKAKAMALI si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., kung inaakalang ligtas na ang …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Rep. Romualdez, dapat kasuhan sa flood control corruption — DPWH Sec. Dizon

AKSYON AGADni Almar Danguilan NANINDIGAN si  Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Opisyal ng BOC at mga tauhan nito pinaiimbestigahan sa isyu ng smuggling

AKSYON AGADni Almar Danguilan PINAIIMBESTIGAHAN sa Malakanyang ang umano’y smuggling activities at korupsiyon sa Bureau …