Monday , December 23 2024

Burarang resorts sa Boracay protektado ba ng DENR Aklan?

PUWEDE naman pala kung gugustuhin ng Department of Environment and resources (DENR). Ang alin? Ang ipasara ang mga delingkuwenteng establisiyementong hotels and resorts na patuloy sa paglabag sa batas kaugnay sa paninira sa kalikasan.

Ano man oras ay puwedeng ipasara ng DENR ang mga hotel and resort sa bumababoy sa Boracay na matatagpuan sa Malay, lalawigan ng Aklan.

Lamang, nagbubulagbulagan ang DENR Aklan dahil, tinatamad ba sila o dahil sa libre ang kanilang pagbabakasyon sa Bora…ops, hindi naman lahat ng kawani o opisyal ng Aklan DENR ang maaaring OTH sa ilan o maraming hotel and resort sa mapamosong isla.

Biro n’yo sa info na nakalap natin , hindi lang mga tiwaling opisyal/kawani ang OTH kung hindi maging ang kanilang kaanak o kaibigan… este, discounted lang pala kung kaanak o kumpare, kumare at kaibigan.

Bukod dito, hindi kaya, kaya rin dumami ang hotels/ resorts na nagtatapon ng waste water sa karagatan ng Boracay ay dahil maging ang ilan opisyal ng DENR sa iba’t ibang lalawigan ay OTH – siyempre ito ay sa diskarte na ng DENR Aklan? Nagtatanong lang po.

Napakaimposible kasi na ngayon lang natuklasan ng DENR Aklan na maraming establisimyento sa Bora ang walang water sewage system. Kung hindi pa nagmura at nagalit si Pangulong Digong…ay naku!

 

DENR Masyado kayong

napaghahalata

Kamakailan 100 ang hotels/ resorts ang walang sarili o sapat na water sewerage system at sa halip ang kanilang waste water ay itinapon sa drainage ng MWSS. Ilegal nilang ikinabit ang pipe ng waste water nila sa pipe ng MWSS.

Binalaan ang 100 establishments na gumawa ng sariling sewerage system kung hindi ipa­sasara ito. Katunayan ay binigyan sila ng dalawang buwan palugit para kumilos. Pero kamaka­lawa, dahil nga sa talagang galit na galit ang Pa­ngulo sa nangyayari sa Bora… hayun, bigla na lamang nagpapogi si DENR Sec. Roy Cimatu.

Ipinasara niya kamakalawa ang 51 hotels/resorts matapos mapatunayan sa pagtatapon ng waste water sa dagat ng Boracay.

Ayos ha, kahanga-hangang Cimatu. Aksiyon agad ang kanyang tugon sa galit ni Pangulong Duterte. E paano kaya kung hindi nakarating sa pangulo ang pangbababoy sa Bora… kikilos kaya si Cimatu o ang kanyang mga opisyal at kawani sa Aklan DENR? Oo naman kikilos sila.

Pero teka, ba’t 51 lang ang ipinasara ni Cimatu? Huwag niyang sabihin na naayos na agad ng 49 ang kanilang sewerage system. Ang bilis ano? Teka, ang sewerage system ba ang agad na naayos o ilan opisyal ng DENR? Nagtatanong lang po.

Ano sa tingin ninyo, ba’t 51 lang ang ipinasara? May ulat rin na 300 ang nakitang lumabag sa batas pero ba’t 51 lang ang pinarusahan?

Ops…hindi ba dapat rin kasuhan ang mga pabayang opisyal at kawani ng Aklan DENR?

About Almar Danguilan

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *