‘YUN na nga, nag-goodbye na sa Social Security System (SSS) sina Jose Gabriel M. La Viña at Amado D. Valdez bilang Commissioners.
Mismong si Pangulong Rodrigo “Digong” Dutertye na ang nagpasya.
“Now, let me announce too that the Executive Secretary has formally informed Mr. Jose Gabriel M. La Viña (Pompee), as well as Mr. Amado D. Valdez that their term of office, both of which expired 13 June 2017 as Commissioners of the SSS will not be renewed. The appointments of Mr. Jose Gabriel M. La Viña and Mr. Amado D. Valdez as Commissioners of SSS will not be renewed when they expire on 30 June 2017,” pahayag ni Presidential Spokesman Harry Roque.
Magugunitang si La Viña ay nagsilbing social media director ni Pangulong Rodrigo Duterte noong 2016 elections at kasalukuyang commissioner ng SSS Investment Oversight Committee habang si Valdez ang SSS chairman.
Kamakailan ay naggirian sa isyu ng insider trading sa stock market ang ilang opisyal ng SSS na ikinasibak ng ilang opisyal.
At nabuyangyang sa publiko na habang ngawngaw nang ngawngaw sila na malapit na raw maiga ang pension funds ay mayroon palang nagaganap na girian dahil sa insider trading sa stock market.
Ang kakapal, ‘di ba naman?!
O paano ‘yan Dean Valdez, aabangan ka na lang namin ulit sa iyong radio program. ‘Yan naman ay kung wala kang naisubi?!
Sabi po ng SSS members, goodbye and good riddance!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap