Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Famous business consultant, broadcaster Ron Tapia-Merk tumanggap ng Gawad Dangal sa NMPC

SA IDINAOS na reunion at awarding para sa mga deserving na awardees ng National Media Production Center (NMPC), isa sa nabigyan ng Gawad Dangal ang kilalang broadcaster na host ng “In The Heart Of Business” sa DWIZ at business consultant na si Ma’am Ron Tapia-Merk.

Nakasabay niyang tumanggap ng award ang beteranang newscaster at host ng Magpakailanman na si Mel Tiangco. Kuwento ni Ma’am Ron, ang NMPC ang unang company na pinaglingkuran niya nang matagal na panahon at proud siya na kilalanin ang serbisyo niya para rito.

Kasama ni Ma’am Ron sa event ang very supportive na daughter na si Maria Heaven o Manna na pinasok na rin ang pagkanta at hubby na si Richard Merk na in-demand pa rin sa mga concert.

Sa kanyang weekend show na “Words & Music” sa dwIZ (882 KH- Z) tuwing Sabado sa ganap na 3:00 hanggang 4:30 ng hapon.

Recently, isa na namang award ang tinanggap ng media personality na ipinagkaloob sa kanyang Laurel Media group.

****

Habang unti-unting ibinabalik ang tambalan nila ni Maine Mendoza sa Eat Bulaga ay solo na muna si Alden Richards sa isa sa hit na segment ngayon sa pangtanghaling programa na “Ba­rangay Jokers” sa portion ni Boss Madam na gina­gampanan ni Ryzza Mae Dizon.

And all fairness, agad na pumatok si Alden bilang driver ni Boss Madam na si Patrick at naisama ang handler ng Pambansang Bae na si Mama Ten as Kendal, na personal assistant ni Ryzza. At dahil marami nga ang tumututok rito ay hinabaan ng 7 minutes ang Boss Madam para mas marami pang ma-tackle na kuwentong katatawa­nan. Malay natin at ibalik na rin sa Barangay Jo­kers ang team-up nina Alden at Maine lalo’t sa post birthday celebration ng big boss ng Tape Inc., at APT Entertainment na si Mr. Tony Tuviera ay nakitang magkasama ang dalawa.

Napapanood rin sa Boss Madam ang lahat ng miyembro ng grupong Baes na pinangunguna­han nina Bae Kenneth Medrano at Miggy Tolentino gayundin si Hopia.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …