Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bayani Agbayani, patuloy sa paghataw ang career

ISA ang komedyanteng si Bayani Agbayani sa patuloy sa paghataw ang showbiz career. Sunod-sunod ang projects ng magaling na komedyante, kaya happy siya sa bagay na ito.

Bukod kasi sa I Can See Your Voice na isa siya sa Singvestigators kasama sina Alex Gonzaga, Wacky Kiray, Angeline Quinto, Andrew E. at Kean Cipriano, hosted by Luis Manzano, kasali rin si Bayani sa seryeng Sana Dalawa Ang Puso na tinatampukan naman nina Jodi Sta. Maria, Robin Padilla, at Richard Yap.

Ipinahayag ni Bayani na masaya siya sa ginagawang pag-e-entertain sa mga tao. “Iyong samahan namin sa ICSYV, para kaming naglalaro lang at balanseng- balanse ang mga level at paraan namin ng pagpapatawa. Kaya masarap ang batuhan. May bago silang natututuhan sa akin at ako rin mismo, may mga natututuhan sa kanila. At siyempre, idol naming lahat si Luis na napakagaling at nakatatawang host.

“Sobrang enjoy ako rito, actually sa lahat naman ng ginagawa ko’y lagi akong masaya, kasi blessings lahat iyan, e. Ito ang tipo ng reality show na lahat ay welcome. May talent ka man o wala, bida ka rito as long as nakapagpapasaya ka ng mano­nood,” wika niya.

Esplika ni Bayani, “Sa bawat project na ginagawa ko masaya ako. Kasi kapag hindi ka masaya sa ginagawa mo, huwag mo na lang gawin. At lahat ng mga projects na iyan ay biyaya galing sa Diyos.

“Bukod sa ICSYV ay tuloy pa rin ang Funny Ka, Pare Ko at ‘yung bago lang na Sana Dalawa Ang Puso, Kawasaki provincial shows, at iyong mga PAGCOR shows ko po.”

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …