WALANG mapagsidlan ng tuwa ang mga taga-Bureau of Customs (BoC) sa pagkilala ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte sa kanilang accomplishments nitong nakaraang Miyerkoles nang ipagdiwang ang kanilang 116th anniversary.
Pinuri ni Pangulong Digong ang mga opisyal ng BoC sa pamumuno ni Commissioner Isidro “Sid” Lapeña.
Sa accomplishment reports, masayang iniulat ni Commissioner Lapeña, na-hit ng BoC ang all-time high revenue collection na umabot sa P46.37 bilyones noong Nobyembre 2017.
Sa kabuuan ang BoC ay may aktuwal revenue collection na P456.61 bilyones, ito ang pinakamataas mula noong 2013.
Pero siyempre kahit pinuri ng Pangulo, pinaalalahanan din niya ang BoC officials na marami pang kailangang gawin upang mapaunlad pa ang buong Bureau.
Anang Pangulo, hindi kailangan bumitiw sa kampanya laban sa korupsiyon at smuggling ang Bureau gaya ng ipinakitang pagwasak sa 20 luxury vehicles na nagkakahalaga ng P61 milyones.
Kasabay nito, inihayag na rin ni Pangulong Digong ang bagong appointees niya sa BoC.
Ang mga bagong Presidential appointees ay sina Noel Patrick Sales Prudente bilang Deputy Commissioner; Jeoffrey Comising Tacio, Adzhar Aidarus Albani at Yogi Felimon Lasala Ruiz bilang Director III; at, Fernandino Acosta Tuason bilang Director II.
Sa lahat ng mga taga-Customs, congratulations po!
Kudos to Commissioner Sid Lapeña!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap