Friday , November 15 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Ultimatum ni Digong: Boracay ipasasara kapag hindi nilinis

HAYAN na!

Napikon na si Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte sa dumi ng Boracay kaya nagbantang kung hindi aayusin ang sewerage system sa isla ay kanya itong ipasasara.

Galit na sinabi ni Digong na kapag lumusong sa dagat ng Boracay ay mabaho ito. Amoy-ebak dahil lahat ng  dumi ay patungo sa dagat.

Lahat ng uri ng polusyon ay matatagpuan na sa Boracay — air, water and noise pollution.

Isa ang inyong lingkod sa matagal nang pumupuna sa mabaho at maruming tubig ng Boracay.

Kahit na walang maayos na sewerage system ang buong isla, sige nang sige pa rin ang pagpayag ng lokal na pamahalaan na magpatayo ng iba’t ibang establisyemento kahit walang malinaw na plano kung paano nila reresolbahin ang lilikhaing basura ng kanilang negosyo at kung saan nila padadaluyin ang kanilang sewerage.

Nitong Biyernes, direktang iniutos ng Pangulo kay Environment Secretary Roy Cimatu na tutukan ang mga establisyementong patuloy na lumalabag sa regulasyon ng DENR.

Baka kapag nag-inspeksiyon diyan ni Secretary Cimatu ay matuklasan niyang maraming establishment ang lumalabag sa regulasyon ng DENR at sa mga itinatakdang batas.

Anim na buwan lang ang ibinigay ng Pangulo at kung hindi sosolusyonan ng iba’t ibang establisyemento, LGU at DENR ang problema sa kapaligiran ng Boracay, ‘e mas mabuti pang magbalot-balot na kayo!

PAHIRAP NA LOAN
SHARK SA PNP!
(ATTN: CPNP DG
BATO DELA ROSA)

NAG-IIYAKAN ngayon ang ilang miyembro ng  Philippine National Police (PNP) kaugnay sa mga namamayagpag na loan cooperative na nagkalat sa paligid ng Camp Crame.

Hinaing ng mga lespu, imbes makatulong ang mga naglipanang ‘loan sharks’ na iba’t ibang kooperatiba kuno ay pahirap pa anila sa karamihan dahil mahigit doble ang taas ng tubo cum singil nila sa kanilang mga pulis.

Ang siste, ilan sa biktima ng ganitong sistema ay mga pulis-Maynila na parokyano ng mga kooperatiba cum loan shark gaya ng PUSU, YAMAN AT KABUHAYAN, KAPITBISIG, KOOP NG PULIS AT SUNDALO atbp.

Mantakin n’yo, ang inutang ay P20k pero ang balik sa kanila ay aabot na raw ng P60K?!

Wattafak!?

Ang ilan pa nga raw sa mga 5/6 ‘este ko­operatiba sa paligid ng Crame ay hindi regular kung magkaltas sa kanilang sahod.

Gugulatin ka na lang ng biglang kaltas makalipas ang ilang buwan para nga naman tumagal at lumaki ang interes sa kanila?!

Anak ng tokhang?!

Ang siste, takot silang magreklamo dahil alam nila na ilang PNP high ranking officials ang ‘tongpats’ sa loan sharks?!

At dahil sa itinaas na ang sahod ng mga lespu ay mas masigasig ang mga ‘lending cooperative’ na mag-alok ng kanilang serbisyo.

Bobolahin pa na bibigyan ng puhunan para makapagnegosyo.

Marami nang pulis ang natukso at nabola sa magagandang offer nila na sa bandang huli ay hanggang langit ang pagsisisi sa laki ng binawi sa kanilang pera.

Sumbong nga ng isa nating kabulabog sa MPD, nanghiram siya ng P70k pero makalipas lang ang ilang buwan ay lumobo sa P140K ang sinisingil sa kanya kahit nagkakaltas sa kanya ng buwanang bayad.

Nagkakaltas sa suweldo nila pero ang in­teres ay patuloy na nanganganak?!

Sonabagan!

Imbes makatulong at makaginhawa sa kanya ang inutang na pera ay lalo siyang nalubog sa utang.

C/PNP DG Bato dela Rosa sir, alam po natin na kapakanan ng nakararaming pulis ang inyong prayoridad kaya sana bago kayo lumayas ‘este umalis ng PNP ay maayos ninyo ang mga gahaman ‘este kooperatiba na lalong nagpa­pahirap sa mga pulis.

Talo pa ang mga linta kung ‘sumipsip ng dugo’ ng mga pulis!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *