Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
luis manzano

Luis, tao ring nasasaktan

HINDI na bago sa pandinig ang ginagawang pagpatol ni Luis Manzano sa kanyang bashers, kung paanong there’s nothing new sa netizens na nagsasabing daig pa ng TV host-actor ang walang pinag-aralan.

To begin with, nagtapos si Luis sa College of St. Benilde (ng DLSU). That makes him a person na mayroong edukasyong dapat lang niyang ipagmalaki.

Iilan lang ba ang mga artistang nakukuhang tapusin ang kanilang kolehiyo once kumita na ng malaki mula sa kanilang showbiz work? Well, Luis is one of them lang naman.

Sang-ayon kami sa sinasabing tao rin naman tulad nating lahat si Luis. Nakakaramdam ng human emotions tulad ng pagkatuwa, pagkainis, pagkabago, pagkalungkot, at kung ano-ano pa.

Kung pinapatulan man ni Luis ang kanyang bashers, normal na reaksiyon lang ‘yon kung paanong mangangagat din ang isang nananahimik na tao kapag natapakan mo.

May kasabihang, “Respect begets respect.”

Kung marunong rumespeto ang isang tao sa kanyang kapwa—mapa-kilos man o pananalita—ay babalik din ang inaasahan niyang paggalang.

Can Luis be faulted sa kanyang pagpatol kung binabastos na siya ng ilang netizens, bagay na hindi naman niya deserve?

Okey lang ang pagsasapubliko ng opinion, pero big No para sa amin ang panlalapit just for the sake na makapanlait lang kahit pamemersonal na ngang maituturing ‘yon.

Sinuman ang may santong krus sa dibdib ay magmimistulang halimaw kapag sa ganoong sitwasyon na siya nasasadlak.

Klaro?

HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …