Sunday , December 22 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

ICC hindi na dapat harapin ni Digong

KOMPIYANSA ang Palasyo na hindi magtatagumpay ang akusasyong crime against humanity laban kay Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte kaugnay ng drug war.

At dahil sa kompiyansang iyon, matapang na haharapin ng Pangulo ang International Criminal Court (ICC).

At ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque tiwala siyang maibabasura ang nasabing usapin sa ICC kaya hindi pa dapat magdiwang ang mga kalaban ng Pangulo.

Preliminary examination pa lang ang isasagawa ng ICC kaugnay sa reklamong inihain ni self-confessed Davao Death Squad (DDS) member Edgar Matobato laban sa Pangulo .

“The President has said that he also welcomes this preliminary examination because he is sick and tired of being accused of the commission of crimes against humanity. This is an opportunity for him to prove that this is not subject to the court’s jurisdiction because of both complementarity that domestic courts and the fact that we have a domestic international humanitarian law statute in our jurisdiction, are reasons enough for the Court not to exercise jurisdiction,” ayon kay Roque.

Sa ganang atin, hindi na dapat sumipot sa ICC ang Pangulo.

Sa dami ng mga pinaslang ng mga suspek na lango sa droga — o ‘yung mga kababayan natin na pinatay ng mga lango sa droga dahil trip lang — mayroon bang kumibo at nagreklamo para maparusahan ang mga pusakal na adik?!

Ngayon na mayroong isang Pangulo na nagsisikap lutasin ang talamak na problema sa ilegal na droga, mayroong mga naghahabol at nag-aakusang lumalabag sa human rights ang Pa­ngulo?!

Sonabagan!

‘Yung mga pusakal na adik na pumaslang ng mga babae o batang walang kamalay-malay, hindi ba sila lumabag sa human rights?!

Mayroon bang nagreklamo sa ICC laban sa mga narco-politicians na walang sawa sa pagbabalik-balik sa posisyon gamit ang kuwartang kinatas sa ilegal na droga?

‘Yung Matobato na umaamin na siya ay trigger man at ngayon ay ginagamit na saksi laban kay Pangulong Digong, inasunto ba nila at sinampahan ng kaso?!

Si Matobato ang nagsabi sa publiko kung sino-sino ang kanyang mga pinaslang, sinampasahan ba siya ng kaso?

Bakit hindi sa Matobato muna ang asuntohin? Bakit si Pangulong Digong agad?!

Kung talamak ang ‘double standard’ sa ilang ahensiya at sa hudikatura, anong katarugan ba ang inaasahan narin rito?!

Ngayon, sa palagay ba ninyo ay dapat pang harapin ni tatay Digong ang ICC?!

Kayo na po ang sumagot, mga suki.

SUWELDO NG MIASCOR
VISAYAS EMPLOYEES
KINAKATKONG?!

ANO itong narinig natin na may mga hinaing daw ang mga empleyado ng MIASCOR sa Visayas tungkol sa natatanggap nilang suweldo?

Ang balita ay P600 ang ibinabayad ng mga airlines sa bawat contractual employees ng MIAS­COR. Pero ang siste, P300 lang daw ang napupunta sa kanila?!

Wattafak?!

At saan naman kamay ni Hudas ‘este ng di­yos napunta ang nawalang P300?

Naibulsa na, ganern?!

Kaya naman pala nagiging ‘poor’ ang ser­vices ng MIASCOR ay dahil naso-shortchanged ang kanilang mga empleyado?!

Sa ibang airports kaya ganoon din ang nangyayari?

Kamakailan lang ay ilang OFWs ang nag-complain ng mga nawala nilang items sa kanilang bagahe at dahil ito sa kapabayaan ng ilang MIASCOR employees.

Dahil dito ipinag-utos ng Pangulo ang pag-revoke sa kontrata ng MIASCOR sa mga paliparan.

Sabagay malaking bagay nga naman kung buong  matatanggap ng mga empleyado ng Miascor ang bayad sa kanila ng airline companies.

Sa isang malayong lugar gaya ng Visayas kapag P600 a day ang iyong suweldo malaking bagay iyon dahil mura ang mga bilihin.

Maiiwasan din na matukso ang mga em­pleyado na pakialaman ang bagahe ng mga pasahero.

Ang tanong, saan naman kaya napupunta ang ‘kinakatkong’ na P300 kada empleyado ng MIASCOR?

Ask natin si Madam Teresa Legaspi ng MIAS­COR Kalibo Airport kung may alam siya tungkol dito?!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *