Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pelikula at dramaserye ni Yul, ‘di na matutuloy

NAGULAT kami sa kaguwapuhan ni  Congressman Yul Servo noong  huling gabi ng lamay para kay Maryo J. delos Reyes na ginanap sa Loyola Memorial Chapel sa Commonwealth. Maaliwalas ang kanyang mukha dahil nag-ahit ito ng bigote o balbas at gumanda ang pangangatawan.

Kabaliktaran ito noong bago pa lamang siya sa industriya na tinawag pa siyang mukhang dugyot na daga ng namayapang aktor. “Wala ‘yun, talagang ganoon naman talaga si Direk Maryo, mapang-asar. Payat kasi ako noon, kaya ‘yun ang naisip niya itawag sa akin,” sambit ng nakangiting aktor na lalong nagpatingkad ng kanyang pagiging tsinito.

Sa pagpanaw ng kanyang mentor parang hindi na matutupad ang nakahandang pelikula sa kanya at dramaserye na tanging ang direktor ang puwedeng gumawa dahil wala itong script. Nakatago ito sa isipan ng namayapang direktor.

Inamin ng aktor na masaya si Direk Maryo sa pagpasok nito sa politika lalo pang wala pa itong talo hanggang kumandidato  bilang congressman sa ikatlong distrito ng Manila. “Sabi niya sa akin, pagbutihin ko lang  ang aking panunungkulan at ayaw niyang malaman na sangkot ako sa graft and corruption dahil siya ang una kong makakalaban,” pahayag nito.

Natatandaan pa nito na kapag galit sa kanya si Direk Maryo ay pinagsasabihan na babatuhin ng script o tripod. “Pananakot lang niya sa akin ‘yun kasi gusto niya na nakatuon ako sa aking pag-arte. Masaya naman ako at dinaanan ko ‘yun sa kanya kasi roon ko nalaman kung gaano siya ka-concern sa kanyang mga artista. Isa ‘yun sa nagpatatag ng training ko bilang artista.”

STARNEWS UPLOAD
ni Alex Datu

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alex Datu

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …