Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Marian Rivera dingdong dantes karylle

Karylle, gandang-ganda kay Marian

MAS higit naming hinangaan ang pagiging sport ni Karylle when it comes to personal affairs.

Kamakailan, ibinuko ni Vice Ganda sa kanilang programang It’s Showtime ang aksidenteng pagku-krus ng landas ni Karylle at ng misis ng dati niyang nobyong si Mr. Dantes.

Ani Karylle, nanaig sa kanya ang paghanga sa napakaganda raw na kabiyak ng ex-boyfriend, to which ay hiningan ang huli ng reaksiyon.

Ayon kay Mrs. Dantes, she wants good vibes.

Aaminin namin this time around—ng wala ni katiting na bias—na “pasok sa banga” ang civil, if not friendly comment ng ina ni Zia.

We couldn’t help but compare ang scenario na ‘yon sa kaso nina Angelica Panganiban at Ellen Adarna.

Tulad ng kina Karylle at Mrs. Dantes, maugong ang balita noon na walang closure sa naging relasyon nina Mr. Dantes at ng anak ni Zsa Zsa Padilla.

Lumutang nga ang tsismis na hindi pa officially off sina Mr. Dantes at Karylle ay nag-”left turn” na ang lalaki, leaving the girl devastated (devastated daw, o!).

Shades of John Lloyd Cruz-Angelica-Ellen love story.

Kine-claim kasi ni Angelica sa kanyang mga social media posts na sila pa rin ni JLC nang bigla na lang sumulpot sa buhay nito si Ellen.

Sa madaling salita, all along ay aware si Ellen na “taken” (na or pa) si JLC yet pumasok siya sa eksena. Ang masaklap, tinanggap naman siya ng lalaki (a case of palay na ang lumalapit, iisnabin pa ba ng manok?).

Sariwa pa ang alaalang ito kay Angelica, kaya it will certainly take a while bago maging kahalintulad ng kina Karylle at Mrs. Dantes (isama na ang kanilang common man) ang kaso nila.

Sabi nga, time heals all wounds. Darating at darating din—in all probability—ang panahong sina Angelica at Ellen naman ang ‘di sinasadyang magtatagpo. When and where ay walang nakaaalam.

At kapag naganap ang aksidenteng ‘yon, nakikinita na naming both Angelica and Ellen will be civil toward each other. Sa tagal na nga namang panahong lumipas, imposibleng hindi pa naghilom ang mga sugat ng pagtataksil at pandaraya.

By then siguro’y may kanya-kanya na ring tahimik na buhay ang dalawang babae—past and present—ni John Lloyd. Si Ellen na officially ay Mrs. Cruz na at si Angelica na isang larawan ng maligayang maybahay na rin.

But who knows, baka posibleng hindi rin sina JLC at Ellen ang magkatuluyan sa bandang huli, dahil no one can predict the future.

Isa lang ang tiyak sa ngayon: long overdue na para isa-isang pulutin ni Angelica ang kanyang nagkapira-pirasong pagkatao at simulan itong buuing muli.

HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …