Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

26 Beauty and brains huhusgahan sa Miss Caloocan 2018 sa Feb 24 (Live sa TV5 )

NAPAKA-BONGGACIOUS ang press presentation ng 26 official candidates ng “Miss Caloocan 2018” na ginawa sa Bulwagang Katipunan sa bagong gusali ng city hall ng Caloocan na ang incumbent mayor ay si Mayor Oca Malapitan — na laging on the go sa kapakanan ng kanyang constituents.

Ang DZMM showbiz anchor-entertainment columnist ang host ng event na dinaluhan ng i­lang opisyal sa pangunguna ng daughter ni Ma­yor Oca na si Miss Kath Malapitan na naging magiliw sa pagsagot ng tanong sa invited entertainment media.

Natutuwa si Ms. Kath sa ilang papuring ibinigay ng press sa progreso ng kanilang lungsod tulad ng maa­yos na basura at maliwa­nag ang mga kalye sa dami ng ilaw. Hindi na rin daw takot ang mga taxi driver na maghatid ng mga pasahero sa lungsod dahil hindi na magulo sa kanila.

Nang mapag-usapan ang taunang local beauty pageant ng lungsod, inihayag ni Ms. Kath na buong-buo ang suporta ng alkaldeng ama sa beauty pageant dahil ang Miss Caloocan ang nagbibigay ng magandang mukha sa lungsod ng Caloocan.

May cash prizes na matatanggap ang mga mananalo rito at ang tatanghaling Miss Caloocan ay tatanggap ng P100,000. Makakapag-uuwi naman ng P50k ang first runner-up, 2nd runner-up (P40k), 3rd runner-up (P30k) at 4th runner-up ay P20k.

At balita ni Ms. Kath, sa kauna-unahang pagkakataon ay ngayon lang mangyayari na magkaroon ng live telecast ang Grand Coronation Night ng Miss Caloocan na tinawag nilang beauty and brains competition na mapapanood sa TV 5 ngayong February 24 ng gabi na gagawin sa Caloocan City Sports Complex at surprise pa kung sino ang magiging host ng nasabing pa-geant.

Narito ang kompletong listahan na kabilang sa 26 kandidata ngayong taon: Zoraya V. Polon, Nicole Ann Maliglig, Venus Balito, Daniela Cayanan, Julia Mae Mendoza, Jhustyn Chloe Castro, Patricia Agapito, Hyacit Zoleta, Camille Joy Dequina, Ylla Mae Sto. Tomas, Pamela Bianca Villacorte, Andrea Abcede, Jeanne Antonio, Jane Nicole Minano, Khryss Tricy, Rizza del Prado, Mae Kimberly de Luna, Patricia Maala, Carrie Mikaela Serrano, Stephanie Monce, Camille Bernadette Roa, Julia Torres, Chrystel Shane Lubrico, Khate Anne Buscaino, Erica Jane Medina, Mary Jane  Toribo, at Maria Vero­nica Peregrino.

Sa angking ganda, talino at talent, majority ng candidates ay puwede sa Binibining Pilipinas o kaya sa Miss World Philippines.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …