Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ilang kandidata sa Miss Caloocan, may kahawig na mga artista

UMAASA ang kasalukuyang pamunuan sa likod ng ika-67 Miss Caloocan 2018 na higit na magiging masigla’t makulay ang taunang timpalak-kagandahan na ito.

Naging produkto ng pageant—na limang taon na palang idinaraos sa ilalim ng panunungkulan ni Caloocan City Mayor Oscar “Oca” Malapitan—sina Angel Locsin (Colmenares in real life), Aubrey Miles, at Mitch Cajayon na dating Congresswoman ng lungsod.

Ang Miss Caloocan ay pinamamahalaan ng Cultural Affairs Tourism Office (CATO) sa pakikipagtulungan sa Caloocan Cultural and Tourism Foundation (CCTF).

Dalawampu’t anim na kandidata mula sa 188 barangay na sumasakop sa makasaysayang siyudad ang maglalaban-laban muna sa pre-pageant, pero ang coronation night ay gaganapin sa February 24 sa bagong City Sports Complex.

Eere ito live sa TV5.

Sa ginanap na media presentation sa Bulwagang Katipunan (sa third floor sa bagong gusali ng munisipyo), rumampa’t ipinakilala ang lahat ng mga nagsisigandahang dilag. Kasabay nito’y ang pag-iikot ng isang pageant staff para kunin mula sa press attendees ang kanilang choice.

Pero nilinaw ng produksiyon na sinuman ang lumabas na most voted among the members of the media ay walang bearing sa actual pageant. Special award ang ipagkakaloob nila whoever that candidate might be anyhow.

Pansin lang namin na maraming kahawig na artista ang mga kandidata, lalo na mula sa aming puwesto malapit sa kanilang dressing room.

Karamihan sa kanila ay may dating sa malapitan. Aminin n’yo ‘yan, Mayor Malapitan!

HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …