Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Walang masamang tinapay kay Direk Maryo

MABILIS ding kumalat noong January 27, Sabado ang pagpanaw ni direk Maryo J. de los Reyes.

Nang gabi ring ‘yon, kausap namin sa phone ang isang film reviewer na may mga alaala ng nasirang direktor, pero huwag na lang naming banggitin ang kanyang pangalan.

All throughout this column ay ia-address na lang namin siya as FC (or film critic.

Matagal nang panahon noong gawin ng premyadong direktor ang pelikulang Laman. Bida roon ang isang baguhang si Lolita de Leon.

Nasa cast din sina Albert Martinez, Elizabeth Oropesa, at Yul Servo.

Sa kuwento, magkarelasyon sina Albert at Elizabeth, Yul at Lolita pero nagkaroon ng rigodon de amor.

Ito mismo ang eksenang tumatak sa isipan ng FC na isinulat niya sa kanyang kolum.

May isang tagpo roon na nagkabistuhan na ang dalawang pares ng kanilang kataksilan. Isang umaatikabong fistfight ang naganap kina Albert at Yul sa bahay mismo ni Lolita, na naroon din si Elizabeth.

Habang nagbubugbugan ay abala naman si Lolita sa pagluluto ng kanyang specialty: ginataang alimasag. The irony was that, hindi siya kumakain niyon, allegic yata sa alimasag.

Sa dining room ang sumunod na eksena. Out of the blue ay bigla na lang daw nagdayalog si Lolita, ”O, kumain na muna tayo.”

Natigil ang sapakan, umupo silang apat sa mesa at nilantakan ang pagkain except for Lolita na allergic nga sa crab. Maya-maya, isa-isang bumagsak ang mga nagsikain ng ginataaang alimasag, bumulagta sa sahig.

Sa madaling salita, nilagyan ng lason ni Lolita ang pagkain. The end.

Back to the FC’s film review, ang eksaktong isinulat niya ay ang kanyang normal na reaksiyon partikular sa eksenang sumalampak sa sahig ang tatlong tauhan at tegibels.

Ayon sa FC, pagkatapos mong mapanood ‘yon ay parang gusto mong tumakbo patungo rin ng kusina, grab a frying pan at ihampas ‘yon sa nagdirehe ng pelikula.

Nabasa pala ni direk Maryo J ang rebyu na ‘yon, medyo sumama lang  ng kaunti ang loob pero never siyang tumawag sa FC para komprontahin o talakan ito dahil sa kanyang isinulat.

A year or so later, may assignment si FC na interbyuhin si direk Maryo j sa set ng  Magnifico  (pinagbibidahan ni Jiro Manio). Pagkatapos ng panayam, marahang tinanong ni direk Maryo J kung bakit ‘yun ang isinulat ng FC.

Nagkapaliwanagan sila hanggang naghatiran pa sila kung saan naka-park ang kanilang mga kotse.

Ayon kay FC ay ‘yun ang katangian ni direk Maryo J na habambuhay nang tatatak sa kanyang puso’t isip, ”Walang masamang tinapay sa kanya…”

Nang ibaba namin ang telepono, ramdam namin ang lungkot ng FC. Nanunuot din sa laman.

HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …