Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Noynoy, 20 pa inasunto sa electioneering (Sa Dengvaxia)

SINAMPAHAN ng kaso ng anti-crime advocates nitong Biyernes si dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III at 20 iba pang dating opisyal dahil sa paglabag sa 2016 election ban sa go-vernment projects dahil sa dengue vaccination program.

Kabilang sina dating budget secretary Butch Abad at dating health secretary Janette Garin sa respondents sa kasong inihain sa Commission on Elections ng Volunteers Against Crime and Corruption.

Nilabag ni Aquino at ng kanyang mga opisyal ang election laws nang ipatupad ang Dengvaxia program noong 4 Abril 2016, sa loob ng 45-day election ban sa government projects para May 2016 elections, pahayag ni VACC legal counsel Manuelito Luna.

Ayon sa VACC, nilabag din ng respondents ang election laws laban sa electioneering.

“They used the program under the guise of addressing an emergency but they did not seek any exemption from the Comelec,” ayon kay Luna.

“They have disrespected the name of the Comelec and rendered the election under suspicion,” aniya.

Gumastos ang gobyerno ng P3.5 bilyon sa pagbili ng Dengvaxia para sa isang milyong public school children sa mga rehiyon na iniulat na mataas ang insidente ng dengue noong 2015.

Ang bakuna ay ibinigay sa tinatayang 830,000 kabataan sa Metro Manila, Southern Luzon, Central Luzon at Central Visayas.

Ang vaccination program ay sinuspende ng Department of Health nitong nakaraang taon makaraan aminin ng manufacturer nito, ang Sanofi Pasteur ng France, na ang Dengvaxia ay maaaring magdulot ng matinding sintomas sa mga taong hindi pa dinadapuan ng dengue.

HATAW News Team

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

American Bully Dog Kobe

Valenzuela LGU kinondena karumal-dumal na pagputol sa dila ng American Bully

GALIT at bibigyan ng hustisya ng Valenzuela local government unit (LGU), maging ang may-ari ng …

Patas na pasahe para sa TNVS drivers at pasahero

IKINABAHALA ng TNVS Community Philippines ang Memorandum Circular ng LTFRB na nagbababa sa surge pricing …

Bojie Dy Sandro Marcos

Speaker Dy, Majority Leader Marcos naghain ng makasaysayang Anti-Political Dynasty Bill

ni Gerry Baldo ISINASAKATUPARAN ni Speaker Faustino “Bojie” G. Dy III ang kanyang pangakong repormang …

PRC Physician Doctor Medicine

PRC Board of Medicine aprubado para sa imbestigasyon laban sa mga doktor ng Bell-Kenz

MALUGOD na tinanggap ng abogado at tagapagtaguyod ng karapatang pantao na si Lorenzo “Erin” Tañada …

Arrest Shabu

Parang kendi lang kung magbenta ng shabu sa kalye, 2 tulak nakalawit

DALAWANG personalidad na kabilang sa isinasangkot sa droga ang naaresto ng mga awtoridad sa ikinasang …