Friday , November 15 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Tigasin ba talaga si Customs Ex-Comm. Nick Faeldon?

WALA tayong kuwestiyon sa katapangan ni dating Customs Commissioner Nick Faeldon.

Ilang beses na niyang ipinakita ‘yan sa publiko.

Matigas ba talaga ang prinsipyo o ulo niya?

Kahit hanggang kamakalawa sa Senado hindi siya umatras sa pa­kikipag-argumento kay Senator Richard Gordon.

At nanindigan na hindi niya sasagutin ang mga tanong na sa tingin niya ay magdidiin sa kanya.

Pero siyempre kung matigas at maprinsipyo si Capt. Faeldon, mas lalo namang hindi papayag ang mga Senador na natitiyope sila sa kanilang teritoryo.

Kaya hayun, patuloy ang ipinataw na contempt kay Capt. Faeldon pero imbes sa Senado siya ikulong ‘e inilipat sa Pasay City Jail.

Pero mukhang hindi pa rin natitinag si Kapitan. Ibang klase.

Gayonman, nakikisimpatiya po tayo sa sitwasyon ni ex-Customs Commissioner ngayon, dahil malaki ang pagkakaiba ng detensiyon sa Senado kaysa city jail ng Pasay.

Ibang-iba…

Pero alam naman ninyo sa Senado hindi papayag ang mga Senador na hindi sila ang manaig.

Puwede kang makipag-argumento pero hindi ka puwedeng manalo.

Kapag matigas ang ulo, tiyak kalaboso?!

Ang tanong: Hanggang kailan kakayanin ni ex-Commissioner Faeldon ang ipinapataw na contempt sa kanya ng Senado?!

Abangan natin ‘yan!

NAGBATOHAN
NG ‘FAKE NEWS’
SA SENADO

Sa ginanap na hearing ng Senate Committee on Public Information and Mass Media na pinamumunuan ni Senator Grace Poe hinggil sa ‘fake news’ nagbatohan ng ‘fake’ arguments ang i­lang resource person.

As usual, ang batohan ay muling umabot at lumabas sa social media.

Kanya-kanyang sisihan at turuan kung sino ang nag-umpisa at kung sino talaga ang naglalabas ng mga ‘fake news.’

Isinalang ang mga ‘Blogger’ na nasa ilalim ng Presidential Communications and Operations Office (PCOO).

Ang nakalulungkot sa hearing na ito, parang lahat walang ginawa kundi sisihin ang bawat isa.

As usual, parang contest na kailangang may dapat manalo hindi isang hearing na inaalam kung ano ang pros and cons ng paggamit ng teknolohiya at social media ng mga taong dapat ay naglilingkod sa gobyerno para sa kapakanan ng sambayanan.

At ang isa pang tanong, bakit ba ang mga blogger ng PCOO imbes i-promote ang mga program at accomplishment ng Duterte administration ay walang ginawa kundi makipag-away sa social media?!

Tapos na po ang eleksiyon, nanalo na ang si­nuportahan nilang si Pangulong Digong at katunayan ay nakapuwesto na sila, bakit kailangan pang magpakalulong sila sa black propaganda?

Aba kahit ang inyong lingkod ay laging biktima ng mga black propaganda na ‘yan sa social media.

Pero imbes makipagbatohan sa kanila, mas minabuti nating maging positibo.

Pakiusap lang po natin sa PCOO bloggers, tulungan ninyo si Pangulong Digong na i-promote ang kanyang magagandang programa.

Huwag po ninyo siyang igawa at ihanap ng away at please lang tantanan ninyo ang paki­kipag-away na para kayong mga palengkera at palengkero.

‘Yun lang po!

CHOWKING CREW
SA UN OROSA, ERMITA
DAPAT PURIHIN
SA KATAPATAN

GOOD pm Sir Jerry, makisuyo lang po sana, upang maipatid sa publiko na marami pa rin po tayong kababayan na may busilak na kalooban katulad ng mga personnel ng Chowking UN Orosa Branch na pinangungunahan ni Ma­nager JOMAR EUGENIO. Hindi inaasahang ma­limutan po naming mag-asawa ang bag na naglalaman ng pambili namin ng motorsiklo at pambayad sa matrikula ng aming anak na nagkakahalaga ng  P200k kasama pa po ang loan sa aking sahod bilang isang Pulis-Maynila. Kumain po kami sa nasabing kainan at sa pagmamadali ay nalimutan namin ang clutch bag na naglalaman ng aming pera. Naalala lang po namin na nawawala ang bag nang dumating na po kami sa bahay at inisip pa namin kung saan po namin naiwanan hanggang mapagtanto po namin na posibleng naiwanan po namin sa nasabing kainan sir Jerry. Ang nakatutuwa po ay pagpasok ulit namin sa Chowking UN Orosa Sir ay sinalubong na po agad kami ng mga staff at sinabing: “Sir, itinago po namin ito at hinihintay po namin ang pagbalik ninyo.”

Nakita rin nila ang laman ng bag sir at walang labis walang kulang sir Jerry. Sinubukan ko pong suklian ng kaunting pakonsuwelo ang lahat ng crew ng Chowking sa lugar na ‘yun dahil sa pagiging tapat nila sa kapwa subalit ayaw po nila tanggapin. Kaya’t naisipan po namin ibahagi sa inyo Sir upang malaman ng lahat ang kabutihang loob ng mga crew sa naturang branch sir Jerry. Upang makabawi man lang po sa good deeds nila at malaman din ng taong bayan sa nagawa nilang kabutihan.

Diyos na po ang bahalang biyayaan sila.

SABONG IPAGBAWAL
DIN SA GOVERNMENT
OFFICIALS

KA JERRY, bawal sa government officials and employee sa mga casino. Sana pati sa mga sabungan. Ang lalakas pumusta ng mga gobernor, mayor, konsehal at brgy captain. ‘Yun naman iba ay sa Macau lng magsusugal.

+63918822 – – – –

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *