SUNOD-SUNOD na naman ang shows ngayon ng versatile na singer/comedian na si Mojack. Pagkatapos ng patok niyang show sa Japan last month, ngayon ay hataw na naman siya sa mga naka-line-up na gagawing mga pagtatanghal.
Kaya labis ang pasasalamat niya sa mga dumarating na biyaya. “Una sa lahat, nagpapasalamat po ako sa Poong Maykapal sa pagbuhos ng Kanyang blessings sa akin ngayong 2018. January pa lang ay talagang napuno ang schedule na ibinigay sa akin, katulad ng Cebu City, sa kanilang Sinulog Festival ay nakapagpasaya ulit ako sa ating mga kababayang Sugbuanon kasama si Ms. Ynez Veneracion.
“At dahil nakaugalian ko na, na pang apat na taon na po ngayon ang pagka-deboto ko sa Mahal na Birhen ng Simala Cebu, kaya dumaan po ako roon at nagpasalamat sa mga biyayang ibinigay Niya sa nagdaan at kasalukuyang taon. Heto nga, halos ‘di po ako nakapagpahinga kasi after Cebu, lumipad naman ako kinabukasan patungong Cotabato dahil naimbitahan naman tayo ng Mayor ng Sultan Kudarat na si Mayor & Mrs. Mastura para pasayahin naman natin ang kanilang bayan sa pamamagitan naman ng paglaro ng basketball. Kasama ko po rito sina Acao, Axel, Jose, at Ervick. Salamat din po sa nagdala sa amin doon na very supportive sa akin at mahal niya ako, na ayaw po ipabanggit ang pangalan, hehehe.
“Ngayon ko masasabi na ang lugar ng Maguindanao ay safe dahil ako po mismo ay natunghayan ko. After nito, pagkauwi ko’t wala pong tulog ay diretso naman po ako ng Silang, Cavite para mapasaya ko naman ang Foton Vans Club Philippines at ako’y nagulat dahil in-award-an nila ng ako Certificate of Appreciation. Grabe talaga ang pagmamahal na ibinigigay sa akin ng Poong Maykapal at tama po ang kasabihan na, ‘Share Your Blessing’ ‘Love Your Family First’ & ‘Spread the Love’ dahil po ang balik nito sa atin ay siksik, liglig, at umaapaw.
“Ngayon ang mga naka-line up naman po sa schedule ko ay ang Boracay, Bacolod, Legazpi City, Lucena City, Marinduque at Pampanga po. Nagpapasalamat din po pala ako sa mga taga-Cebu dahil sa sobrang tuwa nila ay nagbigay sila ng mga pabaong pagmamahal kagaya ng mga specialty nilang kakanin at kung ano-ano pa. Plus ang napakabait na mag-asawa na sina Mr & Mrs. Lim sa pag-sponsor ng bag sa akin na Maniere located in Park Mall Cebu City,” mahabang saad ni Mojack.
ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio