Wednesday , May 22 2024

Mojack, humataw agad sa kaliwa’t kanang shows sa simula ng 2018!

SUNOD-SUNOD na naman ang shows ngayon ng versatile na singer/comedian na si Mojack. Pagkatapos ng patok niyang show sa Japan last month, nga­yon ay hataw na naman siya sa mga naka-line-up na gagawing mga pagtatanghal. Kaya labis ang pasasalamat niya sa mga dumarating na biyaya.

“Una sa lahat, nagpapasalamat po ako sa Poong Maykapal sa pagbuhos ng Kanyang blessings sa akin ngayong 2018. January pa lang ay talagang napuno ang schedule na ibinigay sa akin, katulad ng Cebu City, sa kanilang Sinulog Festival ay nakapagpasaya ulit ako sa ating mga kababayang Sugbuanon kasama si Ms. Ynez Veneracion. At dahil nakaugalian ko na, na pang apat na taon na po ngayon ang pagka-deboto ko sa Mahal na Birhen ng Simala Cebu, kaya dumaan po ako roon at nagpasalamat sa mga biyayang ibinigay Niya sa nagdaan at kasalukuyang taon. Heto nga, halos ‘di po ako nakapagpahinga kasi after Cebu, lumipad naman ako kinabukasan patungong Cotabato dahil naimbitahan naman tayo ng Mayor ng Sultan Kudarat na si Mayor & Mrs. Mastura para pasayahin natin ang kanilang bayan sa pamamagitan ng paglalaro ng basketball. Kasama ko po rito sina Acao, Axel, Jose, at Ervick. Salamat din po sa nagdala sa amin doon na very supportive sa akin at mahal niya ako, na ayaw po ipabanggit ang pa-ngalan,” mahabang panimula ni Mojack.

Dagdag niya, “Ngayon ko masasabi na ang lugar ng Maguindanao ay safe dahil ako po mismo ay natunghayan ko. After nito, pagkauwi ko’t wala pong tulog ay diretso naman po ako ng Silang, Cavite para mapasaya ko naman ang Foton Vans Club Philippines at ako’y nagulat dahil in-award-an nila ng ako Certificate of Appreciation. Grabe talaga ang pagmamahal na ibinibigay sa akin ng Poong Maykapal at tama po ang ka­sabihan na, ‘Share Your Blessing’ ‘Love Your Family First’ & ‘Spread the Love’ dahil po ang balik nito sa atin ay siksik, liglig, at umaapaw.

“Ngayon ang naka-line-up naman po sa schedule ko ay Boracay, Bacolod, Legazpi City, Lucena City, Marinduque, at Pampanga. Nagpapasalamat din po pala ako sa mga taga-Cebu dahil sa sobrang tuwa nila ay nagbigay sila ng mga pabaong pagmamahal gaya ng mga specialty nilang kakanin at kung ano-ano pa. Plus ang napakabait na mag-asawa na sina Mr & Mrs. Lim sa pag-sponsor ng bag sa akin na Maniere located in ParkMall Cebu City,” mahabang saad ni Mojack na dagdag-biyaya sa kanya ang pagiging bahagi ng Powerhouse Arte Incorporated.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

About Nonie Nicasio

Check Also

Ralph Dela Paz

Coco at Ruru gustong makatrabaho ni Ralph Dela Paz

MATABILni John Fontanilla PAGKALIPAS ng ilang taon ay nagbabalik showbiz ang aktor, stage actor, at …

June Navaja Vincent Marcelo Piolo Pascual Toni Labrusca

Piolo at Toni wish makasama ng mga bida sa isang BL series

MA at PAni Rommel Placente SINA June Navaja at Vincent Marcelo ang mga bida sa BL series na My Bae-Bi …

Nash Aguas Mika dela Cruz Angelica dela Cruz 

Angelika nilinaw Mika ‘di buntis kaya nagpakasal kay Nash

MA at PAni Rommel Placente INIINTRIGA si Mika dela Cruz.  Buntis daw umano ito kaya bigla …

Jeric Gonzales Ruffy Biazon Trina Biazon Muntinlupa

Jeric Gonzales haharanahin mga Natatanging Ina ng Muntinlupa

RATED Rni Rommel Gonzales PASASAYAHIN at pakikiligin ni Jeric Gonzales ang mga taga-Muntinlupa City dahil haharanahin ng …

Blind Item, Mystery Man, male star

Aktor pa-victim ang drama, matapos magtago super pa-interview na

I-FLEXni Jun Nardo VISIBLE ngayon sa showbiz events ang isang aktor na nasangkot sa isang malaking kontrobersiya …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *