Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Rochelle Barrameda, thankful sa pagbabalik-showbiz via Sherlock Jr

THANKFUL si Rochelle Barrameda sa chance na ipinagkaloob sa kanya ng GMA-7 para makabalik sa mundo ng showbiz. Si Rochelle ay kabilang sa bagong TV series ng GMA-7 na tinatampukan ni Ruru Madrid, titled Sherlock Jr.

Ipinahayag ng aktres na nanibago raw siya sa muling pagsalang sa TV dahil ang huling nagawa niya ay Tweenhearts at Blusang itim six years ago pa.

“Nanibago talaga ako, pero dahil nga sa mga kasamahan ko rito sa Sherlock Jr, mapa-artista man, production, staff and crew, naging magaan ang pakiramdam ko dahil napakabait nilang lahat at masaya lagi ang set namin!” ani Rochelle.

Ano ang masasabi niya sa bida ritong si Ruru? “Napakabait na bata niya. It’s been a long time na makagawa ulit ako sa GMA. Pero hindi ko na-feel na ma-out of place ako. Napakabait nilang lahat sa akin. Kahit noong December lang kami nag-start dito, masasabi mo na pamilya ang turingan namin dito. Kaya I’m so grateful na naging part ako ng seryeng ito,” wika ng aktres.

Dagdag niya, “Ang role ko po rito ay bilang si Carolina, se-nator’s wife. Asawa ni Tonton Gutierrez. Very manipulative, “di ko iniisip na puwedeng makasama ‘yung mga ambition ko sa repulation ng asawa ko. Kontrabida-bida po ako rito.

“Ang mga kasama po sa Sherlock Jr., bukod kay Ruru ay sina AiAi Delas Alas, Gabbi Garcia, Janine Gutierrez, Andre Paras, Matt Evans, Sharmaine Arnaiz, Roi Vinzon, Kate Valdez, Yana Asistio, Sofia Pablo, at marami pang iba. This is directed by Ms. Rechie del Carmen,” wika ni Rochelle na isa rin sa ambassador ng BeauteDerm ni Ms. Rei Tan.

Ang Sherlock Jr. ay magsisimula na ngayong Lunes (January 29), sa GMA Telebabad.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …