NIYANIG ang lalawigan ng Surigao del Sur ng magnitude 4.9 earthquake nitong Linggo, ayon sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Naganap ang pagyanig dakong 10:19 ng umaga. Ang epicenter nito ay nasa 20 kilometers southeast ng bayan ng Marihatag, ayon sa Phi-volcs. May lawak na 16 kilometro, ang pagyanig ay naramdaman sa Intensity 2 sa Bislig City, Surigao Del Sur.
Sa nasabing intensity, ang lindol ay maaaring magpagalaw nang bahagya sa nakasabit na mga bagay, ayon sa Phivolcs.
Walang inaasahang malawak na pinsala sa nasabing pagyanig, at hindi rin magdudulot ng aftershocks, ayon sa ahensiya.