Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

‘Jaywalker’ ginahasa ng sekyu sa ospital (Nagtangkang magbigti)

NAGTANGKANG magbigti ang isang dalagitang lumabag sa pedestrian rule, makaraan gahasain ng isang guwardiya sa isang ospital sa Laguna.

Kinilala ang suspek na si Gerald Yulas, inaresto ng mga operatiba ng Calamba Police nitong Sabado.

Ayon sa ulat ng pulisya, nakita sa CCTV camera footage ang pagpasok ni Yulas at ng biktima sa ospital pasado 1:00 am nitong 23 Enero 2018.

Salaysay ng biktima, tinakot siya ni Yulas na pagbabayarin ng P2,000 multa dahil dumaan siya sa overpass na lagpas sa oras na puwede itong daanan.

Ngunit maaabsuwelto siya kung sasama umano sa guwardiya sa kanilang opisina sa ospital.

Ipinasok umano ng guwardiya ang dalagita sa breastfeeding room ng ospital at doon pinaghubad at ginahasa.

Makikita sa CCTV camera footage na makalipas ang 30 minuto, lumabas ang dalawa sa ospital.

Umuwi sa Tiaong, Quezon ang biktima at tinangkang magbigti dahil sa insidente. Ngunit nasagip ang dalagita makaraan isugod sa ospital. Sa puntong iyon, ipinagtapat ng biktima ang nangyari sa kaniya.

“She was revived and eventually na-convince nila to identify the suspect. We went to the crime scene. Fortunately the suspect is on-duty so we effected the arrest,” ayon kay Senior Supt. Sonny Celedio, hepe ng Calamba City Police Station.

Positibong itinuro ng biktima ang guwardiya ngunit depensa ng suspek, ang biktima umano ang nag-alok sa kaniya para makipagtalik dahil kailangan niya ng pera.

Nahaharap ang suspek sa kasong rape at paglabag sa Republic Act 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

American Bully Dog Kobe

Valenzuela LGU kinondena karumal-dumal na pagputol sa dila ng American Bully

GALIT at bibigyan ng hustisya ng Valenzuela local government unit (LGU), maging ang may-ari ng …

Patas na pasahe para sa TNVS drivers at pasahero

IKINABAHALA ng TNVS Community Philippines ang Memorandum Circular ng LTFRB na nagbababa sa surge pricing …

Bojie Dy Sandro Marcos

Speaker Dy, Majority Leader Marcos naghain ng makasaysayang Anti-Political Dynasty Bill

ni Gerry Baldo ISINASAKATUPARAN ni Speaker Faustino “Bojie” G. Dy III ang kanyang pangakong repormang …

Arrest Shabu

Parang kendi lang kung magbenta ng shabu sa kalye, 2 tulak nakalawit

DALAWANG personalidad na kabilang sa isinasangkot sa droga ang naaresto ng mga awtoridad sa ikinasang …

PRC Physician Doctor Medicine

PRC Board of Medicine aprubado para sa imbestigasyon laban sa mga doktor ng Bell-Kenz

MALUGOD na tinanggap ng abogado at tagapagtaguyod ng karapatang pantao na si Lorenzo “Erin” Tañada …