Saturday , November 16 2024

STL/Jueteng namamayagpag sa CamSur (PCSO ID, uniform ginagamit) – Gov

ISINIWALAT ni Camarines Sur Governor Miguel Luis Villafuerte na ang STL operation ay ginagamit sa ilegal na operasyon ng jueteng partikular sa kanilang probinsiya.

Inihayag ito ni Villafuerte sa isinagawang pagdinig ng Senate Committee on Games and Amusement na pinamumunuan ni Senador Panfilo Lacson, hinggil sa sinasabing sa bonggang Christmas party ng PCSO, at sa alegasyong front ang STL ng illegal jueteng operation.

Sa kanyang pagdalo sa Senado, ipinakita ni Governor Villaguerte sa powerpoint presentation ang video at retrato na nagpapatunay na may ID at uniporme ng PCSO ang mga nagpapataya ng jueteng sa mga lansangan.

Aniya, maging ang mga menor de edad ay nalululong na rin sa sugal sa kanilang lalawigan dahil sa illegal jueteng na gamit ang operasyon ng STL.

Dagdag ng gobernador, hindi dapat sisihin ang mga pulis dahil mahirap hulihin ang ilegal na operasyon dahil may ID at uniporme ng PCSO ang mga nagpapataya ng jueteng.

Ito rin aniya ang dahilan kung bakit mahina ang kinikita ng STL sa kanilang lalawigan dahil ang malaking kinikita rito ay sa ilegal operation pumapasok.

Magugunitang tinuligsa ang PCSO dahil sa maluho at magastos na Christmas party na umabot sa P6.4 milyon ang ginastos.

Sa kanilang press release, ikinatuwiran ng PCSO na ang approved budget umano noong 2016 ay P14 milyon na pinababa sa P11 milyon hanggang bumaba sa P9 milyon. Pero ang aktuwal na gastos umano ay P6.4 milyon, P3.3 milyon sa pagkain at P3.1 milyon sa corporate giveaways, raffle prizes at sectoral presentations.

ni CYNTHIA MARTIN

ILEGAL NI ATONG
IPINATIGIL NI DIGONG

INAMIN ni Pangulong Rodrigo Duterte na kinompronta niya ang gambling lord na si Charlie “Atong” Ang para ihinto ang mga trabahong ilegal at tumulong na lang sa gobyerno.

Sinabi ng Pangulo, walang ibang dahilan ang pagtawag niya kay Ang maliban sa ipatigil ang ilegal na gawain niya at papuntahin sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) upang umayuda sa ahensiya.

“Ito si Atong, I was hearing, tinawag siya, tinawagan ko ‘yan siya. Sinabi ko, “Atong, ikaw ang number one na gambler dito sa Davao. Hawak mo lahat. Huwag tayong magbolahan. Pumunta ka doon sa PCSO, hintuin mo ‘yang lahat ng ilegal at tulungan mo ang gobyerno. That was the only reason why I called for Atong Ang, “ anang Pangulo sa kanyang talumpati sa NAIA bago magpunta sa India kahapon.

Ikinuwento ng Pangulo na pinagbantaan niya si Ang noong alkalde pa siya ng Davao City na huwag piliting magtayo ng jai-alai sa siyudad upang hindi sila magbanggaan.

“Many years ago. I do not want to mention the President. He wanted to set up a Jai Alai in Davao. Sabi ko sa kanya, “Kaibigan tayo. Huwag mong pilitin ‘yan. Mag-aaway lang tayo. Ayokong makipag-ano sa‘yo pero kung pilitin ‘yan na Jai Alai sa Davao talagang magka… Balita ka man na tigas ka, e ‘di ikaw,” dagdag niya.

Si Ang ay isa co-accused sa kasong plunder ni Manila Mayor Joseph Estrada at nasentensiyahan ng anim na taon pagkakulong, tumakas at nagtago sa US.

Naging Pagcor consultant si Ang noong rehimeng Estrada, ang kompanya niyang  Power Management and Consultancy ay binayaran ng P500,000 kada araw, bukod pa sa bonuses. Ang isa pa niyang kompanya, ang Prominent Management and Marketing ay naging consultant ng Pagcor sa Bingo 2-Ball, legal na prente ng jueteng na naging ugat ng alitan nila ni Ilocos Sur Gov. Chavit Singson.

Nadakip si Ang sa Las Vegas noong 2001, nakulong nang isang taon at lumaya lamang maka­raan pumasok sa plea bargain, isinoli ang P25 milyon na kinuha sa P130-milyong tobacco excise tax bago idineliber kay Estrada.

(ROSE NOVENARIO)

 

About Cynthia Martin

Check Also

Bamboo Kawayan

Pamangkin hinamon ng duwelo , Tiyuhin patay sa palo ng kawayan

BINAWIAN ng buhay ang isang 55-anyos na lalaki matapos ilang ulit paluin sa ulo ng …

DOST Teams Up with Wadhwani Foundation to Accelerate Filipino Innovation

DOST Teams Up with Wadhwani Foundation to Accelerate Filipino Innovation

THE Department of Science and Technology (DOST) and the Wadhwani Operating Foundation have signed a …

Artist Lounge Talents MultiMedia Inc

Artist Lounge Talents MultiMedia Inc. inilunsad

MATAGUMPAY ang grand launching ng Artist Lounge Talents MultiMedia Inc., na ginanap last November 10 sa Activity …

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *