Friday , November 15 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Overseas Filipino Bank dapat maglingkod nang tama para puspusang tangkilikin

ISANG mabuting regalo ang Overseas Filipino Bank (OFB) para sa overseas Filipino workers (OFWs) ganoon din sa ekonomiya n gating bansa.

Dating Postal Bank ang OFB na minabuti ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte na gawing banko ng OFWs.

Sa kasalukuyan, nagpapadala ang mga kababayan nating OFWs sa kanilang pamilya sa pamamagitan ng banko, door-to-door o kaya ay sa iba’t ibang money remittance center.

Lahat ito ay dapat na pumasok at dumaloy patungo sa kanilang pamilya sa pamamagitan ng OFB.

Mangyayari lang ito kung maliit ang service fee na sisingilin ng OFB at kung sila ay isang banko na masasandalan ng mga OFW.

Pero kung mas mahal pa sila sa umiiral na presyo sa mga kasaluku­yang money remittance center, malamang mabigo si Pangulong Digong sa kanyang layunin na pagaanin ang buhay ng pamilya ng OFWs.

Mas makabubuti rin kung lahat ng transaksiyon ng OFWs ay sa OFB na idaan gaya ng pagbabayad ng insurance, matrikula, bayarin sa bahay (kung hinuhulugan pa), koryente, tubig at ganoon din kung kinakailangan nilang umutang kapag naglalakad ng kanilang mga kinakailangang dokumento.

Sana’y maging bago na nga ang mukha ng dating Postal Bank.

Maisakatuparan sana ang layunin na serbisyong totoo para sa mga OFW.

CONGRATULATIONS
ASSEC MOCHA USON

GINAWARAN ng UST Alumni Association Inc. (UST-AAI) ng Thomasian Alumni Award si Communications Assistant Secretary Margaux “Mocha” Uson pero hindi naging katanggap-tanggap sa ibang alumni.

Hindi lang  mga alumni, inulan din ng protesta sa social media ang nasabing pagkilala para kay Mocha.

Si Assec. Mocha raw ay pinagmumulan ng fake news dahil sa kanyang blog.

Pero ayon sa UST-AAI ang “sole criteria” ng isang awardee for government service ay da­pat na nagtapos sa UST at empleyado ng gob­yerno.

Anyway, ang tanong lang naman dito, babawiin ban g UST-AAI ang kanilang pagkilala?!

Isosoli ba ito ni Assec. Mocha?!

E paano kung hindi?!

Sorry guys, eat your heart out.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *