FIRST directorial job pala ni Connie Macatuno ang pelikulang Mama’s Girl with Sylvia Sanchez in the major cast.
A graduate of Masscom, dating EP (executive producer) si Connie ng now-defunct Showbiz Lingo sa ABS-CBN noong dekada ‘90.
Tanong tuloy namin sa aming kausap who volunteered this info on Connie’s employment background, kung galing siya sa Dos ay bakit hindi siya nabigyan ng break na magdirehe for Star Cinema, the network’s film arm?
“Wala kasi si Connie sa circle ng mga ginu-groom bilang movie director. In short, she did not belong to the so-called Tung Dynasty,” sey ng aming source.
Sa lengguwahe ng showbiz, ang “tung” ay tawag sa mga lesbiyana. Bagama’t wala namang out o mga nagladlad ng tomboy sa ABS-CBN, hindi ‘yon maikakaila sa kanilang mga kilos.
In fairness to them, mahuhusay sila sa larangan ng pagdidirehe.
Going back to Conie, bilang isang bagito in the field of directing ay maayos naman ang pagkakagawa niya ng nasabing pelikula.
“Ang ikinatatakot ko lang, mukhang sesemplang ‘yon sa box office. Sa title na title pa lang, eh, wala nang kadating-dating. Maganda pa nga ‘yung mga Regal movies noon na may katunog ding title tulad ng ‘Oh, My Mama’, winner ‘yon sa takilya.”
Sa paglabas ng kolum na ito’y showing na ang Mama’s Girl, tingnan natin kung nakaalagwa nga ito sa takilya base sa opinyon ng aming source.
HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III