HIRAP na hirap makausad ang impeachment laban kay Supreme Court chief justice Maria Lourdes Sereno.
‘Yan po ang tingin natin sa huling pagdinig na napanood ng inyong lingkod.
Noong una nga ay pinagtitiyagaan nating panoorin ang nasabing hearing pero dakong huli ay naumay na rin tayo sa paulit-ulit at walang sustansiyang pagdidiin sa Punong Mahistrado.
Kumbaga sa prutas, may budbod na kalboro ang impeachment laban kay Sereno para mahinog. E alam naman ninyo kapag hinog sa pilit — mapakla at mapait — kung may tamis man ay pilit na pilit.
Pati ba naman ‘yung biyaheng business class at bakasyon sa Boracay ay iniisyu pa kay CJ Sereno?!
Bakit ano ba ang tingin ninyo kay CJ Sereno, poor?!
Bago pa man italaga ng dating pangulo na si Noynoy Aquino si Sereno bilang Chief Justice ay napakaganda na ng kanyang karera.
Produkto ng pampublikong paaralan si CJ Sereno noong elementary at high school. Nagkolehiyo sa Ateneo de Manila sa kursong economics at nagtapos na Valedictorian sa College of Law ng University of the Philippines noong 1984, at Masters of Laws sa University of Michigan noong 1993.
Pero hindi lang sa akademya nagpakita ng husay at galing si CJ Sereno. Excellent din ang kanyang karera bilang abogado.
Hindi tayo pro-Sereno.
Nanghihinayang lang tayo sa panahon, proseso at baka pati pondo na nauubos nang walang kapararakan sa pagdidiin kay CJ Sereno para mapatalsik sa Supreme Court.
Sa nakikita nating itinatakbo ng pagdinig, mukhang mayroon lang namamansing at umaasang makahuhuli ng ‘malaking isda.’
Mantakin ninyo, namansing lang, pero nakabingwit nang malaking isda?!
Wattafak!
Hindi tuloy natin maiwasang muling maalala sa ating isipan ang naganap sa mga dating Gabinete ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo na sina retired General Angelo Reyes, dating Executive Secretary Larry Mendoza at dating Chief Justice Renato Corona na pawang biktima ng mga politikong mabilis pa sa Hunyango kung magpalit ng kulay at hilatsa.
May they all rest in peace para hindi magmulto sa mga taong may kagagawan ng kanilang kinasapitan…
Tsk tsk tsk.
KAPALPAKAN
SA KALIBO
INTERNATIONAL
AIRPORT
(ATTN: CAAP DG JIM
SYDIONGCO)
HINDI na natutuwa ang mga ahensiya ng gobyerno gaya ng Bureau of Customs, Bureau of Immigration, Bureau of Quarantine at maging ang Aviation Security Group sa nangyayari ngayon sa Kalibo International Airport (KIA) na ‘over-over’ na sa departure and arrival flights.
Normally, 37 daily flights ang kayang i-cater ng napakaliit na airport gaya ng KIA. Sa 37 flights, umaabot hanggang runway ang pila sa arrival area at hanggang parking pagdating naman sa departure area.
Susmaryosep!
Hindi raw akalain ng mga ahensiyang nabanggit na mukhang tuliro at hindi kayang i-handle ni CAAP Region 6 Manager Efren Nagrama ang dami ng flights at pasaherong dumarating sa KIA.
Idagdag pa riyan ang panibagong landing permits na ibinigay niya para i-accommodate ang tatlo pang airlines kaya naman umaabot na sa 50 flights per day sa kakarampot na airport!
Wattafak!?
Tambak na nga ang tao sa airport terminal dinagdagan pa ng flights?!
Resulta? DISASTER!
Sa ngayon umano ay kaawa-awa ang mga personnel ng apat na ahensiya dahil halos lumuwa na ang kanilang dila sa dami ng pasahero sa international flights.
Hindi pa kasama riyan ang arrival and departure ng domestic flights!
Imagine, nasa 7,000 inaabot ang bilang ng mga pasaherong inaasikaso ng CIQ kaya naman kinakailangan nilang magpatulong sa mga taga-KIA Avsegroup para ayusin ang nagkakagulong mga pasahero.
Halos ‘di na nga raw nila nagagawang mag-breaktime sa dami ng pasahero na karamihan ay tsekwang magugulo at ‘di marunong sumunod sa instructions.
Pakengshet!
Aba’y posibleng magkaroon ng stampede riyan kung magkasabay-sabay ang flights at hindi makontrol ang mga pasahero.
Sa ngayon ay balitang aligaga pa rin daw si CAAP Region 6 Manager Efren Nagrama dahil hindi niya inakala ang pagbugso ng mga pasahero sa airport na ‘yan.
At para makapaghugas-kamay naman raw ang mokong, halos pine-pressure niya sa kanyang kapalpakan ang mga ahensiyang gaya ng CIQ pati Avsegroup para mag-ayos ng kanyang mga sablay!?
Ano kaya ang masasabi ni CAAP DG Jim Sydiongco sa ganitong performance ng paboritong bata niya on handling airport operations?
Napapasyalan n’yo ba DG Sydiongco ang Kalibo airport o hindi!?
Magbibigay ng landing permits sa sandamakmak na airlines kahit ang airport ay hindi pasado sa international standards?!
Hindi kaya per flight ang commission ni Nagrama kaya naman nagmamadaling maka-quota?
What do you think MIASCOR KIA manager Mother Teresa Quimpo?
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap