Friday , December 27 2024
ltfrb

Patong-patong na papeles sa tanggapan ng manyakol na LTFRB official inaamag na

ABA mahihiya ang ‘dike’ na ginawa sa Pampanga noong kasagsagan ng pag-agos ng lahar mula sa Mt. Pinatubo, sa mga papeles na nakapatong sa mesa ng isang manyakol na opisyal ng Land Transportation Fran­chising and Regulatory Board (LTFRB) at hindi na umusad.

Wattafak!

Wish lang natin na isang araw ay mapunta riyan si Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte sa opisinang ‘yan para makita niyang mayroong opisyal na binabalewala ang kanyang utos na pabilisin ang serbisyo sa maliliit na mamamayan.

Bibilis lang daw ang pirmahan sa papeles na ‘yan kapag nanghimasok na ang isa pang major, major problem sa LTFRB na siyang pumapagitna sa mga kliyenteng nagpapalakad ng papel.

At mukhang ‘yun ang ultimong layunin ni LTFRB official na kung tawagin ay ‘Tsuktsak’ dahil sa kamanyakan.

Mukhang talagang sinasadya niyang binbinin ang paglakad ng mga papel para pagkakitaan ng kanyang ‘tirador’ na si major, major problem.

Anyway, Mr. LTFRB official alyas Tsuktsak, mukhang wala ka naman talagang ginagawa ri­yan.

Lahat ng trabaho at problema diyan sa LTFRB ay mukhang ipinakarga na lang kay Atty. Aileen Lizada.

Mas mabuti sigurong, si Atty. Lizada na ang gawing hepe dahil hanggang ngayon e hindi pa rin  ma-locate ni LTFRB chief, Atty. Martin Delgra III, ang opisyal na manyakol, isang opisyal na taga-Region IV-A na nagpapaagwa ng building sa Tacloban at ang major, major problem na namumunini sa nakabinbing mga papeles.

Gusto yata ni Atty. Delgra ay mismong si Secretary Tugade pa ang tumulong sa kanya sa pag­hahanap ng mga opisyal na ‘yan?!

Ano kaya ang palagay ni Mr. Tsuktsak?!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *