Friday , November 22 2024

No talk, no mistake ba ang policy ni LTFRB chair Atty. Martin Delgra III?

MALAPIT nang maubos ang daliri ng inyong lingkod sa dami ng mga inirereklamong eskandalo laban sa mga opisyal ng Land Transportation and Regulatory Board (LTFRB).

Bukod sa mga naunang tinalakay ng inyong lingkod, nabuking na hindi lang pala ang mga huli ng LTFRB ang nakapila sa East Avenue.

Hindi kukulangin sa 10 bus umano ang nakatago sa Magalang Street na katabi mismo ng LTFRB.

Magkano?! Este anong dahilan?!

Kaya huwag nang magtaka kung bakit grabe ang buhol-buhol na traffic sa area na ‘yan.

Kamakailan ay nag-resign na si Atty. Aileen Lizada bilang spokesman ng LTFRB.

Ang balita natin, hindi na raw kayang ipagtanggol ni Lizada ang kapalpakan ng isang Boss Tik as in butiki  alyas Tsuktsak na umaastang bossing nila.

Ngayong wala na si Lizada bilang spokesrespon, paano na ang taongbayan?

Ang balita, hindi naman daw nagpapaunlak ng interview si Atty. Delgra. Ang hula ng marami, tila ayaw raw magpa-interview sa media kasi umiiwas yatang matanong kung natuklasan na ba niya kung sino ang opisyal na manyakol na kung tawagin ay Boss Tsuktsak?!

At ‘yung opisyal ng LTFRB sa Region IV-A na nagpapatayo ng malaking gusali sa Leyte, na­kita na rin kaya niya?!

Hindi natin malalaman ang sagot diyan kung hindi magsasalita si Atty. Delgra. Lalo na kung pipillin niyang mag-resign na lang kaysa mapitpit ni Pangulong Digong.

Simpleng-simple lang ang prinsipyo ni Atty. Delgra, “no talk, no mistake.”

E kung bigla nga naman siyang masilat, ti­yak laglag!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *