Friday , December 27 2024

Airline & shipping fees dapat na rin ibalik para sa benepisyo ng BoC, BI at BoQ!

BALIK-NORMAL na raw ang takbo sa lahat ng mga sangay ng opisina maging sa mga paliparan, daungan at district offices ng BI matapos ipatupad ang 9-hour working time sa Bureau.

Makikitang bumalik na ang sigla ng lahat ng BI employees matapos ianunsiyo ni Commissioner Bong Morente na pinayagan ang paggamit ng ELF para ibalik ang kanilang OT.

Although hanggang Disyembre ng taong kasalukuyan lamang ang itinakda para sa nasabing benepisyo, malaking bagay ito para pansamantalang maka-recover ang lahat sa ‘pinsala’ sa kanilang kabuhayan sa pagkawala ng kanilang dating sahod nitong nakaraang dalawang taon.

Sa ating palagay dapat din isulong nina Commissioners Morente, Ja­vier at Neri ang panibagong hakbang para muling ibalik ang airline and shipping fees na nawala sa ahensiya.

Hindi pa limot sa alaala ng BI, BoC at BoQ na kasama sila sa naapektohan noon matapos mag-issue ng memorandum si dating DILG secretary Mar posas ‘este Roxas para sa suspensiyon ng pagbabayad ng airlines and shipping fees para sa mga empleyado ng mga naturang ahensiya.

Sa tulong din noon nina Department of Finance Cesar Putrisima ‘este Purisima at DOJ Secretary Leila De Saba ‘este De Lima, tuluyang ipinatigil noong panahon ni PNoy ang pagbibigay ng naturang benepisyo.

Kung nagawa nga nina SOJ Vitaliano Aguirre at ng BI Commissioners na pigilin ang panibagong veto ni Digong sa ilang provisions ng 2018 General Appropriations Act bakit hindi ang simpleng memorandum?

Kung sakali man na matapos ang 2018 at hindi pa maamyendahan ang isinusulong na bagong immigration bill, malaking tulong ang makukuhang airlines and shipping fees para punuan ang mawawala na namang bayad sa overtime.

Tama o mali?!

Kaya para sa atin, hindi dapat magpatumpik-tumpik ang mga concerned BI officials maging sina BUKLOD prexy Atty. Greg Sadiasa at IOAP President ER German Robin.

Napakabilis ng araw, gaano lang ang halos 11 buwan. Napakaikli ng panahon tapos magu­gulat na lang tayo Disyembre na naman. Baka kung kailan gahol na sa panahon ay saka lang sila mag-aaligaga na solusyonan ang problema.

Move fast before it’s too late again, mga bos­sing!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *