Friday , November 22 2024

No show applicants & passport issuance problemang dapat ayusin ni Sec. Cayetano

UNANG problema, pinasok ng sindikato ang online appointment para sa passport application at renewal ng Department of Foreign Affairs (DFA).

Pero pagdating sa aktuwal na petsa ng appointments, 40% ng applicants ang hindi dumarating.

Ang solusyon dito ni Foreign Affairs Secretary Allan Peter Cayetano, bayaran na sa banko ng applicants ang passport fee. Kahit 50 percent lang daw.

Sa ganoong paraan, sigurado umanong sisipot na ang mga aplikante.

Ang sagot po natin diyan Secretary Allan, hindi rin. Kasi nga kung napasok ng sindikato pati ang passport online appointments, ibig sabihin doon lang din nila sisingilin ‘yan sa mga nabobola nilang kliyente.

At wala silang paki kung dumating o hindi ang kliyente nila, ang importante nagbayad sa kanila.

So ang dapat, susudsurin ninyo kung sino ‘yang mabilis na nakapagse-secure ng online appointment at kung paano nila nagagawa.

Pero ang isa pa nating problema, Mr. Secretary, ‘yung releasing naman ng passport.

Puwedeng nakapag-apply ngayon pero aabutin ng tatlong buwan bago nila mahawakan ang kanilang passport.

Paso na ang visa at sa bahagi ng overseas Filipino workers (OFWs) paso na ang air ticket at maging ang kontrata.

Wattafak!

Malaking prehuwisyo ‘yan, Secretary Cayetano.

Sana lang ay masolusyonan na ninyo ang problemang ‘yan.

Marami nang reklamo at palagay natin hindi dapat balewalain ‘yan.

Balitaan po ninyo kami Secretary Cayetano kung may maasahan ba kaming good news.

‘Yun lang po!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *