INAMIN ng mahusay na actress na si Ms Sylvia Sanchez, lead actress sa Regal Entertainment Film na Mama’s Girl kabituin sina Sofia Andres at Diego Loyzaga na minsan ay nagkakaroon sila ng conflict ng mga anak niyang sina Arjo at Ria Atayde, lalo sa love life ng mga ito.
“Hindi mo naman maiiwasan,” pag-amin niya, “ngayon lang naman sila nag-showbiz.”
Hindi nga nakikialam si Ms Sylvia sa kung sino man ang makakarelasyon ng kanyang mga anak, siguraduhin lang ng mga ito na ang kanilang pipiliing makakarelasyon ay marespeto at mahal sila.
”Magkakaroon ng conflict kung hindi kasundo ng magulang, kailangan ‘yun, eh, importante ‘yun.
“Pero kung hindi kasundo ng pamilya mo ‘yung mamahalin mo, patunayan mo at patunayan ng karelasyon mo na karapat-dapat siyang tanggapin,” pagtatapos ni Ms Sylvia.
MATABIL
ni John Fontanilla