Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

LTFRB region IV-A official dapat maging buena mano ng PACC

NGAYONG chairman na ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) si dating VACC chair Dante Jimenez, baka gusto niya ng buena manong trabaho na tiyak ikatutuwa ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte.

Inirerekomenda natin na imbestigahan niya ang isang opisyal ng Land Transportation Franchising and Regulatory (LTFRB) na nagpapatayo ng isang building sa Tacloban, Leyte.

‘Yan daw pong ipinatatayong building ay hindi komersiyal kundi bahay.

Wattafak!

Ibang klase si LTFRB official, bahay lang pero building ang ipinagagawa. Maraming funds? Saan galing? Sa mga padulas ng mga papeles?

Ayon sa ilang empleyado ng LTFRB, madaling-madali lang umanong matutunton ni PACC Chair Jimenez ang nasabing Region IV-A official.

Dahil siya’y maaksiyon lalo kung may mga palusot na papeles, maingay at mayabang. Kaya nga nabisto na nagpapagawa siya ng gusaling bahay.

Magtulungan sila ng mga commissioners ng PACC na sina Gregorio Luis Contacto III, Greco Antonious Beda Belgica, at Rickson Chong.

Maliwanag ang layunin kung bakit itinatag sa bisa ng Executive Order (EO) 43, na nilagdaan ni Pangulong Duterte noong Oktubre 2017, para imbestigahan ang mga kasong administratibo laban sa mga kawani at opisyal ng pamahalaan.

Puwede rin umanong isailalim ng PACC sa lifestyle check ang mga kawani at opisyal ng gobyerno na mayroong iregularidad at kakaibang sistema ng pamumuhay.

Sampolan n’yo na Chairman Jimenez ‘yang LTFRB official sa Region IV-A!

PERGALAN
SA LA UNION
PROTEKTADO
NGA BA NG PNP?

KAKAIBA raw ang sistema ng PNP PRO-1 diyan sa La Union.

Ano ba ‘yang sistema na ‘yan Chief Supt. Romy Sapitula?!

Totoo ba ang nababalitaan natin na mas mainit sa mata ng mga lespu ninyo ang mga nagpapakilalang taga-media na panay ang orbit sa pergalan kaysa ‘yung pergalan diyan sa area of responsibility ninyo?!

Kakaiba ‘yan, ha, Gen. Sapitula?!

By the way, isang Jaime Aquino raw po ang nagpapakilala sa inyong taga-HATAW siya. Wala pong katotohanan ‘yan.

Kaya kung panay ang orbit sa inyo ng isang Jaime Aquino gamit ang pangalan ko ay wala po kaming kinalaman diyan.

Inuulit ko po, hindi taga-HATAW ‘yang nagpapakilalang Jaime Aquino sa inyo Gen. Sapitula.

Gen. Sapitula totoo rin ba na todo-todo ang proteksiyon ng mga lespu ninyo sa mga pergalan?!

Pakisagot na nga po!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Bakit hindi dapat agad paniwalaan si Bernardo

AKSYON AGADni Almar Danguilan BAGONG TAON ng 2026 na pero nananatiling walang napaparusahan na “big …

Firing Line Robert Roque

Prangka kaysa pakitang-tao

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. KUNG napanood mo ang recent episode ng “Storycon” sa …

Sipat Mat Vicencio

Kapag bumaliktad si Martin Romualdez, lagot si Bongbong

SIPATni Mat Vicencio NAGKAKAMALI si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., kung inaakalang ligtas na ang …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Rep. Romualdez, dapat kasuhan sa flood control corruption — DPWH Sec. Dizon

AKSYON AGADni Almar Danguilan NANINDIGAN si  Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Opisyal ng BOC at mga tauhan nito pinaiimbestigahan sa isyu ng smuggling

AKSYON AGADni Almar Danguilan PINAIIMBESTIGAHAN sa Malakanyang ang umano’y smuggling activities at korupsiyon sa Bureau …