Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jadine

JaDine, magkakanya-kanya na

GRABE ang paghahandang ginagawa nina James Reid at Nadine Lustre sa kanilang nalalapit na konsiyerto,  ang Revolution The JaDine Concert sa February 9, Smart Araneta Coliseum, directed by Paul Basinillo with Dance Director Teacher Georcelle, at sa musical direction ni Jay Agustin.

Tsika ni Nadine, “Mayroon po kaming times na solo spot. And of course marami rin po kaming mga guest.”

At sa balita na after the concert ay magkakanya-kanya muna silang proyekto ni James, sinabi ni Nadine na, “We grew so much together as a love team and a couple na rin po and then we also need to grow ng kami lang na sarili namin, na hindi kami magkasama as a person and as an artist din as well.”

Ilan sa mga solo project na gagawin ni Nadine ay ang romcom na Ulan at ang suspense-thriller na Nurse. This year din naman gagawin ng dalawa ang kanilang reunion movie na  Ne­ver Not Love You.

Ang magiging espesyal na panauhin ng JaDine sa kanilang konsiyerto ay sina Sarah Geronimo, Sam Concepcion, Kiana Valenciano, Bret Jackson, at ang Unkabogable Star na si Vice Ganda.

Para sa lahat ng JaDine fans, maaari kayong makabili ng ticket para sa Revolution The JaDine Concert sa Ticketnet (911-5555) o sa Viva Live (687-7236).

Jadine James Reid Nadine Lustre

MATABIL
ni John Fontanilla

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …